Chapter 35

2522 Words
CHAPTER 35: MABISANG PRINSESA Rhys's POV Ang sakit ng buong katawan ko. Dahan-dahan kong ginalaw ang mga kamay at paa ko, pinapakiramdaman ko kung kaya ko bang bumangon. Ilang saglit pa ay nagawa ko naman ito kahit masakit, tingin ko naman ay kaya kong tumayo. Unti-unting pinoproseso ng utak ko ang mga nangyari, hindi ko alam kung paano ako napunta sa kamang hinihigaan ko ngayon at kung sino ang gumamot sa akin. Basta ang alam ko lang ay naglaban kami ni Cush tapos matatalo na 'ko dapat pero pinilit ko sumugod ulit tapos may humarang sa akin... Si Zion. Nanlaki bigla ang mata ko. Sa pagkaka-alala ko, galit na galit siya. Nasaan kaya ang lalaking 'yon ngayon? Hindi naman siguro siya nagwala, 'diba? Sakto naman na bumukas ang pinto, dahan-dahan kong nilingon ito dahil masakit din ang ulo at leeg ko. Grabe pala inabot ko. "Gising ka na pala, Haie..." Kumunot ang noo ko nang makita ko si Cecily na may mga sugat at paso rin. Sa pagkakaalala ko, hindi naman siya natamaan ng mga atake namin ni Cush sa laban. Lagi ko nga siya pinapalayo tuwing lalapit siya sa akin kasi ayoko siyang madamay. Bakit siya nagkaroon ng mga paso at sugat? "Anong nangyari sa 'yo? Tinamaan ka ba nu'ng huling atake ni Cush nang hindi ko napansin?" Sa halip na sagutin ako ay lumuhod siya sa harap ko na umiiyak. Hindi nawawala ang kunot sa noo ko, naguguluhan ako sa ginagawa ni Cecily ngayon. "Haie, patawarin n'yo sana ako sa kapabayaan ko... dapat ginawa ko ang lahat para mapigilan kayo na labanan si Cush pero pinanood ko pa kayo. Sera, Haie... sana ako na lang ang nasaktan at hindi kayo. Sera..." Patuloy na sa pag-iyak si Cecily, gusto ko siyang lapitan upang aluin dahil ayaw niya tumahan pero pinipigilan ako ng katawan ko. Incommo. "Ano bang sinasabi mo? Tumayo ka nga riyan at tumahan ka na." Agad na tumayo si Cecily at nagpahid ng kanyang luha. Pinalapit ko siya sa tabi ko para makausap ng maayos kasi nalilito pa 'ko sa mga nangyayari. "Huwag mo na iyakan ang nangyari na. Tapos na 'yon at wala ka namang kasalanan." Tango ang naging sagot niya sa akin. Siguro talagang na-guilty siya kaya hinintay niya 'kong magising at personal na humingi ng tawad. "Nasaan ako? Sino ang gumamot sa akin? Gaano na ba 'ko katagal na nandito?" hindi ko na pinalampas ang pagkakataong ito dahil tinadtad ko na ng tanong si Cecily. Kunot noo niya 'kong tinanong, "Wala po ba kayong naalala sa nangyari?" Umiling ako ng bahagya. "Ang huling naalala ko lang ay ang laban namin ni Cush at ang pagdating ni Zion. Pagkatapos n'on ay hindi ko na alam ang sumunod na nangyari." "Ah, oo nga pala... bigla na lang po kasi kayong nawalan ng malay nang pinahinto ni Duhe ang laban ninyo. Tapos po ay binuhat niya kayo at dinala rito sa kama ni Cush. Siya na rin po ang gumamot sa mga sugat at paso ninyo. Tatlong araw na po kayong nagpapahinga rito. Aalang-alala nga po ang lahat sa kalagayan ninyo kasi ang tagal ninyong magising," paliwanag ni Cecily. Hindi ako makapaniwala... sobrang lakas talaga ng lalaking 'yon, siya lang ang nakagawa sa akin nito— pero sabagay, wala pa naman akong nakakalaban ng seryoso gaya ng nangyari sa akin ngayon. "Tapos?" tanong kong muli sa kanya. "Po?" Napairap na lang ako. "Puwede ba, 'wag ka nang magkunyaring walang alam. Hindi mo pa sinasagot ang unang tanong ko... anong nangyari sa 'yo, bakit ang dami mong pasa at sugat? Halos hindi ka na naiba sa sinapit ko, eh." "Ah... wala naman po, Haie. Na–na... ano... naaksidente! Tama po, naaksidente lang po." Sa pag-iwas ng tingin ni Cecily sa akin, halatang-halata ko na may hindi siya sinasabi sa akin. Hindi siya magaling magsinungaling, at alam ko na rin kung ano ang nangyari. "Nasaan ang wayim na nanakit sa 'yo? Anong karapatan niyang saktan ka? Naturingan siyang Flame Knight ng Kastia tapos mananakit siya ng babae?!" Napatayo ako sa inis, anong problema ni Zion at sinaktan niya si Cecily? Anong nagtulak sa kanya para manakit? Alam kong siya lang ang puwedeng gumawa nito, bago pa 'ko mawalan ng malay ay naaala 'kong nagliliyab ang buong katawan niya n'on kaya tiyak na galit na galit siya. Baka natulad siya sa akin na nawala sa huwisyo at nagwala rin tapos nasaktan niya si Cecily. Ano man ang rason ay dapat siyang magbayad. Mabait si Cecily sa akin kahit masama ang pakikitungo ko sa kanya. Wala akong pakialam sa kanya noong una, pero sabi ni In-ma sa akin... masama ang lalaking nananakit ng babae kung wala itong laban. Kahit masakit pa ang katawan ko at hindi masyadong makakilos ay aawayin ko ang lalaking 'yon. "Haie, kumalma muna po kayo, wala pong kasalanan ang Duhe. Buong puso ko pong tinanggap ang parusang ibinigay niya sa akin dahil alam ko pong may kasalanan ako. Ako ang binilinan niyang ingatan kayo dahil ako ang kasama ninyo, pero hinayaan ko kayong masaktan kaya po dapat lang akong maparusahan." Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Kailangan pa naging batas ang sinasabi niya?! Saka bakit niya ba ito tinatawag na Duhe? "Kalokohan! Hindi mo naman gusto na masaktan ako, saka 'diba, ilang beses mo 'kong pinagsabihan na huwag nang ituloy ang laban pero tumuloy pa rin ako kasi nga matigas ang ulo ko. Kaya malinaw na wala ka nang kinalaman d'on, kagustuhan ko 'yon!" Hindi na sumagot si Cecily, nakayuko lang siya habang naiiyak na naman. "Nasaan si Zion at Cush? Huwag ka na sanang magsinungaling sa pagkakataong ito, Cecily." "Galit na galit po ang Duhe dahil sa nangyari sa inyo, Haie. Matapos niya po kayong dalhin at gamutin, hinarap niya kami ni Cush..." Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita siya kaya patuloy lang siyang nagkwento. "Pinapili niya 'ko kung lalabanan ko ba siya o paparusahan niya na lang ako." "Anong pinili mo?" "Parusa po, Haie." Napapikit ako, si Cecily yata ang dating baliw at pangalawa lang si Zion. "Tapos?" tanong ko. "Galit po siya sa akin pero mas malaki ang galit niya kay Cush. Hinamon rin po ng Duhe si Cush na labanan siya at kapag nanalo ito ay palalampasin na niya ang ginawang p*******t sa inyo at kapag natalo siya, mapaparusahan siya ng kamatayan..." Nanlaki ang mata ko, gaano ba kalaki ang sira ng ulo ni Zion? "Sabihin mo, nanalo naman si Cush, 'diba?" ewan ko, bakit bigla kong kinabahan sa magiging sagot ni Cecily. "Haie, ang lakas ni Cush ay wala sa kalahati ng lakas ng isang magiting na Duhe ng Flame Knights na gaya niya." Duhe? Isang Heneral si Zion?! Umawang ang bibig ko sa gulat. Kay Cush lang ay halos hindi na 'ko makabangon sa laban namin at inaamin kong talo na talaga ko, pero natalo siya ni Zion? Kung gan'on... Gaano kalakas si Zion? Hindi ako makapaniwala, ilang beses na kaming naglaban at ilang beses na rin niya 'kong natalo pero hindi naman gan'on kalakas ang mga atake niya sa akin... o talagang sinasadya niyang hinaan ito para maiwasang masaktan ako? "Haie, nasa harap po ng Munisipyo ang Duhe at ibinitin niya ng patiwarik ang katawan ni Cush na puro pasa at sugat galing sa laban nila. Doon niya dinala ang kaibigan ko para ipakita sa lahat ang pagpaparusa niya rito dahil sa sinapit niyo. Haie, alam ko po walang kapatawaran ang ginawa ni Cush sa inyo pero nakikiusap po ako... iligtas n'yo po siya. Hindi po siya dapat mamatay." *** Gusto kong pagalitan ng paulit-ulit si Cecily dahil hindi niya kaagad sinabi sa akin ang nangyayari. Paano na lang kung hindi ako nagising ngayon? Dinig na dinig ko ang hiyawan ng mga tao, ang ilan ay sumasang-ayon sa gagawing parusa kay Cush pero ang iba naman ay gusto itong itigil at humihiling na pakawalan na siya. Dahil abala ang lahat sa kung ano man ang mayroon na tinitingnan nila sa harap ng Munisipyo, walang nakapansin sa amin ni Cecily na nandito sa gilid at kadadating lang. Masakit pa ang katawan ko at halos hirap pa talaga 'ko kumilos dahil sa mga sugat lalo na sa paso sa likod ko, pero kailangan kong tiisin ito para iligtas si Cush sa kalokohan ni Zion. "Narito tayong lahat para saksihan ang gagawing pagputol sa ulo sa isang lalaki na nanakit sa ating mahal na Haie. Alam nating lahat na walang kapatawaran ang ginawa niyang paglagay sa peligro ng buhay ng Savenis. Tanging kamatayan lang ang nararapat na parusa para sa kagaya niya." Narinig kong sambit ni Zion kasunod ng malakas na namang hiyawan mula sa kapulungan. "Kalokohan... Isa itong malaking kalokohan..." mahina kong sambit. Kinikilabutan ako sa pananalita ni Zion, ayan na naman siya... may kakaibang awra. Napalunok ako, kahit ayoko ng atensyon at kahit ayoko naman talagang gawin ito ay dapat nang mahinto ang kabaliwang ito. Hindi na 'ko nagsayang pa ng oras. Sakay pa rin ako ng kabayo at pinalakad ko ito papunta sa harap ng Munisipyo para magpakita sa mga tao na patuloy na naghihiyawan. Unti-unting tumahimik ang paligid nang tuluyan na 'kong makita ng lahat. Kitang-kita ko kung gaano kalala ang sinapit ni Cush, mas malala pa ang mga sugat at pasa niya kaysa sa akin. Wayim ka talaga Zion! Nababaliw ka na naman! "Sino ang may gawa ng kalokohang ito?" panimula ko, kahit alam ko naman kung sino. "Ako po, Haie," agad na tugon ni Zion. Tumingin ako sa kanya. "Ano bang pinagagawa mo? Pinarusahan mo si Cecily tapos ngayon pupugutan mo naman ng ulo si Cush, sa harap pa ng mga kababayan niya? Ano bang kasalanan niya sa 'yo? Ano bang kalokohan itong naiisip mo, Zion?!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasigawan ko na siya. "Haie, pinagkatiwala kita kay Cecily habang may inaasikaso ako. Maayos akong nakiusap sa kanya na bantayan ka niya ng mabuti, pero pinabayaan niya kayo kaya dapat lang siyang parusahan!" Tumingin muna siya kay Cush saka ipinagpatuloy ang sinasabi niya, "At ang lalaking ito, sinaktan niya kayo at muntik na kayong mamatay. Kaya walang kapatawaran ang ginawa niya! Dapat lang siyang mamatay!" Bumuntong hininga ako bago magsalita, "Kapag ba pinatay mo siya, matatanggal ang sakit ng katawan ko? Naiintindihan ko 'yung parte na nagalit ka sa kanila kasi ganito ang nangyari sa 'kin, pero sana hinintay mo munang magka-malay ako bago mo ito ginawa. Nakalimutan mo na yatang may usapan tayo tungkol sa mga desisyon nating dalawa." Muli na namang umugong ang bulungan sa kapulungan. Tila nagpapalitan sila ng kanilang kanya-kanyang opinyon. "Sabi sa akin ni Cecily, Duhe ka raw ng Kastia. Kung totoo 'yon, siguro naman alam mong wala kang karapatan na magpataw ng ganyang parusa kahit pa napatay ako ni Cush." Napayuko si Zion. "Sera, Haie." Nainis ako kasi hindi niya 'yon sinabi sa akin, kung hindi pa binanggit ni Cecily hindi ko pa malalaman. Aawayin ko siya mamaya tungkol d'on. "Haie, walang kasalanan ang Duhe. Tinanggap ko ng maluwag ang parusa dahil mali talaga na sinaktan ko kayo ng gan'on. Sera, kung nanganib ang buhay mo dahil sa 'kin, Haie." kahit pa nakabitin si Cush ay nagawa niya pa ring magsalita. "Wala kang kasalanan at gan'on din si Cecily. Ako ang may gusto na mangyari ito, ako ang pumilit sa inyong dalawa kaya walang ibang dapat sisihin kung hindi ako lang! Kaya kung may dapat parusahan, ako dapat 'yon." Ano ba sinasabi ko? Nagpapaka-bayani ba 'ko? Nagpapabango ng aking pangalan? Ano ba itong ginagawa ko? Habang tumatagal lalo kong hindi makilala ang sarili ko. "Itigil mo na 'to, Zion. Pakawalan mo na si Cush. Siguro naman sapat na 'yung ibinitin mo siya diyan sa harap ng maraming tao, pati na rin 'yung mga sugat at paso niya bilang kabayaran sa sinasabi mong kasalanang nagawa niya." Imbis na sundin, tinitigan lang ako ni Zion kaya kumunot ang noo ko. Bakit hindi pa siya kumikilos? "Haie, sino ba si Cush para sa inyo? Bakit sa kabila ng ginawa niya sa inyo ay ginagawa n'yo pa rin 'to para sa kanya? Hindi ka pa magaling pero pinilit ong magpunta rito para lang pigilan akong pugutan siya ng ulo, bakit?" Huh?! Ano na naman bang palabas ni Zion ito? Ano na naman ba ang gusto niya ngayon? Nagbulungan na naman ang mga tao, incommo natataranta 'ko! Iniisip ba nilang may gusto ko kay Cush kaya ginagawa ko 'to para sa kanya?! Sa dami nang nangyari, gan'on ba ang iniisip mo, Zion? Iniling ko ng bahagya ang ulo ko, hindi ako dapat mag-isip ng kung ano. "Si Cush ay kagaya mo na meron ding insigne. Nangako siya sa akin na tutulungan niya 'kong isagawa ang misyon natin. Hindi ka ba natutuwa na may makakasama na tayong malakas kagaya mo? Isa pa, pangarap niyang maging isang Flame Knight, ayaw mo bang magkaroon ng makakasama na ka-uri mo?" Tahimik ang lahat kaya nagpatuloy pa 'ko sa pagsasalita, "Inaya ko siyang labanan ako para sukatin kung talaga bang malakas siya. Kasi kung sa akin lang ay hindi siya mananalo, paano pa sa kaaway? At nakita n'yo naman, natalo niya ako." Humarap ako sa mga tao. "Bilang isang Savenis, tungkulin kong hanapin ang mga magigiting na Magnis na lalaban para sa ating bansa at isa si Cush sa napili ko. Kaya pakiusap, 'wag ninyong hayaan na mawala ang isa pa nating pag-asa na mailigtas ang ating kaharian." Naghiyawan ang lahat, nagulat na lang ako nang isigaw nila ang... "Mabuhay ang mahal na Prinsesa! Mabuhay!" "Salatias sa pagpapalakas ng loob nila, Haie." Nagulat ako sa paglapit ni Cecily sa akin. "Anong sinasabi mo? Nilinaw ko lang ang isip ni Zion dahil kalokohan ang naiisip niyang patayin si Cush." Umiling siya saka nagsalita, "Hindi lang po iyon ang ginawa n'yo kaya nagpapasalamat po ako dahil doon." Nakita kong pinapakawalan na ni Zion si Cush, nag-aalisan na rin ang mga tao. Bumaba ako sa kabayo at nilapitan silang dalawa. "Haie, sera kasi—" "Hindi ako galit sa 'yo dahil sa ginawa mo kay Cush, ginawa mo lang ang tungkulin mo. Tulungan mo na lang siyang makatayo, gamutin mo na rin ang mga sugat at pasa niya. Ikaw din naman ang may gawa niyan." Nakatingin lang ako kay Cush, wala ako sa mood para harapin ang Flame Knight na 'to. "May mga manggagamot naman sa viyong ito, sila na lang ang bahala sa kanya," aniya, tila nabago ang tono ng boses niya. Hindi na 'ko umimik, tumalikod na 'ko para bumalik sa kabayo ko. "Haie, ihahatid na kita sa Inn para makapagpahinga." Hinabol ako ni Zion pagsakay ko. "Hindi na kailangan, doon muna ko sa bahay ni Cush. Nakakahiya kasi sa Inn dahil ayaw nilang maningil." "Bakit sa bahay ni Cush, hindi ka ba nahihiya?" "Ano?" "Masusunod, Haie," aniya saka tumalikod sa akin. Napabuntong hininga na lang ako nang makalayo siya sa akin. Malamig ang boses niya, at alam ko nang away na naman ang kauuwian nito. Nilingon ko si Cush nang lapitan siya ni Zion para alalayang makatayo, inakbay niya pa nga ito sa kanya para hindi mahirapang makalakad. Mabuti naman at sinusunod niya pa rin ako. Pinanood ko lang silang dalawa na maglakad papunta sa karwahe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD