CHAPTER 36: EAT TOGETHER Rhys's POV Pagkatapos ng nangyari sa harap ng Munisipyo ay bumalik kami rito sa bahay ni Cush para magamot siya rito. Mas malala ang inabot niya sa akin, mas madami siyang sugat at pasa. Bilib talaga ako sa kanya na may malay pa siya hanggang ngayon, samantalang ako ay tatlong araw daw walang malay. Pati rin ako ay ginamot ulit dahil muling sumakit ang paso sa likod ko. Sabi ng doktor, napwersa raw dahil nangabayo ako kanina. Sinabi rin niya na hindi pa 'ko maaring mangabayo ulit hanggang hindi pa magaling ang paso sa likod ko. Wala naman akong balak, napilitan lang talaga ako kanina. Gabi na at nandito pa rin ako sa labas ng bahay ni Cush, nakatanaw sa mga bituin sa langit. Bigla ko tuloy naalala 'yung mga pagkakataon tuwing nakatulala ako sa langit, lalapita

