AURORA ANGELINA
Napabalikwas ako nang bangon dahil nakatulog pala ako kanina. Ako na lang ang nandito ngayon at wala na si uncle ninong. Kahit papaano ay nakahinga naman ako ng maluwag. I really don’t know why his acting is so weird. Kung bakit siya natulog dito at niyakap pa niya ako. Hindi naman kami sobrang close para maging gano’n siya sa akin.
Nang tumingin ako sa orasan ay malalim na ang gabi. Hindi nila ako ginising para kumain. Siguro dahil ay mahimbing na talaga ang tulog ko kaya hindi na nila ako inisturbo pa. Nakakaramdam ako ng gutom kaya naman bumangon ako para bumaba. Magdadala na lang ako ng pagkain dito sa room ko.
Siguro ay naka-uwi na rin si uncle ninong. Hindi ko nga alam kung bakit ba siya nandito sa bahay namin kanina? Kung ano man ang dahilan ay mas mabuti na wala akong alam. Madilim na ang buong bahay pero kabisado ko naman ito kaya kahit nakapikit ako hindi na ako mahuhulog dito sa hagdan namin.
Sure ako na tulog na ang lahat. Dumiretso na ako sa kusina para maghanap ng puwede kong kainin. Nagugutom na kasi talaga ako. Alam ko na marami naman laging pagkain dito sa bahay at nasa ref lang ito. Kumuha ako at ininit ko ito sa microwave. Ako lang mag-isa dito kaya feeling ko may nakatingin sa akin.
Unti-unti akong lumingon at nagulat ako dahil may nakatayo sa may pinto ng banyo.
“Sino ka?” tanong ko sa kanya pero naglalakad ito papunta sa akin.
Medyo dim kasi ang ilaw dahil ayaw ko na buksan ang mga ilaw dito. Kaya naman hindi ko gaanong makita ang mukha ng taong naglalakad papunta sa akin. Pero kumunot naman ang noo ko dahil pamilyar sa akin ang gamit niyang pabango.
“U–Uncle ninong?” bulalas ko.
“Bakit gising ka pa?” tanong niya sa akin at siya nga talaga.
“Nagutom kasi ako,” sagot ko sa kanya.
“Ang himbing kasi ng tulog mo,” nakangisi na sabi niya sa akin.
“Wag mo ng uulitin ‘yon,” sabi ko sa kanya.
“Ang alin?”
“Ang matulog sa room ko. Lagot ka talaga kay daddy kapag nalaman niya ang ginawa mo.”
“Nalaman naman niya at hindi naman siya nagalit,” sagot niya sa akin kaya kumunot ang noo ko.
“You’re lying,” sabi ko sa kanya.
“No, I’m not.”
“Bakit naman–”
“Kumain ka na lang. Matutulog na ulit ako,” sabi niya sa akin.
“Saan ka natulog?”
“Sa living room. Bakit gusto mo ba na tabi ulit tayo?” nakangisi na tanong niya sa akin.
“Ayaw ko, hindi ako makahinga sa ‘yo. Kaya lang naman ako nakatulog dahil ang bigat ng katawan mo,” sabi ko sa kanya.
“Next time ay ikaw na sa ibabaw ko para naman hindi ka mabigatan,” sabi niya kaya kumunot lalo ang noo ko sa sinasabi niya.
“Ano ba ang sinasabi mo–”
“Kumain ka na, good night, angel,” sabi niya sa akin at bigla na lang niyang tinawid ang pagitan namin para halikan ako sa noo.
Ako naman itong hindi makapaniwala sa kanya. Kung ano-ano na lang kasi ang ginagawa niya. Ang balak ko na kumain sa room ko ay hindi ko na lang ginawa. Mas pinili ko na lang na dito na kumain sa kusina para maligpit ko pa ang pinagkainan ko. Alam ko na tatamarin na naman akong bumaba mamaya. Nagsimula na akong kumain at kaunti lang dahil ayaw ko naman na matulog ulit na sobrang busog ako.
Hinugasan ko ang mga ginamit ko. After ay lumabas na ako dito sa kusina. Medyo madilim dito kaya hindi ko naman makita kung nandito ba talaga si ninong o wala. Bakit ba kasi ayaw niya sa guest room namin? Mas okay nga doon para makahiga siya ng maayos. Hindi naman mabaho ang guest room namin. Bahala na siya kung ayaw niya. Basta ako ay aakyat na lang.
Nangangapa pa ako dahil hinahanap ko ang hawakan paakyat sa hagdan namin. At nagulat ako dahil parang may pader na.
“Bakit ang tigas?” bulalas ko.
“Matigas ba?”
“What the h*ck, ninong?!” nagulat na bulalas ko.
“Bakit hindi ka nagbubukas ng ilaw? Paano kung madapa ka?” tanong niya sa akin.
“Kabisado ko na po ang bahay namin. Hindi ako madadapa,” sabi ko sa kanya.
“Enjoying with my abs, ang–”
“Hindi ah! Bakit ka kasi nand’yan,” sabi ko sa kanya at mabilis kong inalis ang kamay ko sa abs niya na matigas.
Narinig ko naman ang pagtawa niya na halatang natutuwa na naman siya. Napairap naman ako dahil alam ko na hindi naman niya ako naririnig.
“Excuse me,” mataray na sabi ko at humakbang na ako pero nagulat naman ako dahil mali ang naapakan ko.
Ang buong akala ko ay masusobsob na ako pero hindi naman. Dahil may sumalo sa akin at si uncle ninong ito.
“Sabi mo kabisado mo ang bahay niyo?”
“Umalis ka kasi sa daan. Haharang-harang ka,” masungit na sabi ko sa kanya.
“Ang sungit mo naman, angel.”
“Ano naman ang pakialam mo?! Excuse me,” sabi ko at tinulak ko siya para lumayo sa akin.
“Kailangan mo na talaga ng boyfriend para hindi umiinit ang ulo mo,” sabi niya pa sa akin.
“Tsk!” asik ko sa kanya dahil hindi ko na kayang maging feminine kapag siya ang kausap ko.
“Sabay na tayong umakyat,” sabi niya sa akin.
“Akala ko ba dito ka matutulog?”
“Nagbago na ang isip ko. Doon na lang ako sa taas,” sagot niya sa akin.
“Bahala ka na nga!”
Hahakbang na sana ako pero nagulat na lang ako dahil bigla na lang niya akong binuhat.
“What are you doing?” tanong ko sa kanya.
“Helping you. Baka mahulog ka pa sa ginagawa mo,” sagot niya sa akin.
“Bakit, kabisado mo ba a ng bahay namin?”
“Hindi, pero alam ko na kapag nahulog ako ay sabay tayong dalawa. Atleast hindi ako nag-iisa,” sabi niya sa akin.
“Ewan ko sa ‘yo ang dami mong alam. Takot ka lang na mag-isa e–”
“Mas okay kaya ang may kasama. Mas masarap I mean mas enjoy este hindi malungkot,” sabi niya at kung ano-ano ang sinasabi niya.
“Dito na tayo, puwede mo na akong ibaba,” sabi ko sa kanya.
“Ihahatid na kita sa loob baka kasi–”
“Ano ang binabalak mo?” tanong ko sa kanya.
“Wala, mukha bang may binabalak ako?” tanong niya sa akin.
“Ibaba mo na kasi ako. Alam mo naiinis na ako sa ‘yong matanda ka,” sabi ko sa kanya.
“What did you say? Matanda? Ako?” sunod-sunod na tanong niya sa akin.
“May iba pa ba akong kasama dito bukod sa ‘yo—”
“Dahil diyan dito ako matutulog ulit,” putol niya sa ano mang sasabihin ko kaya ako naman itong kinabahan na sa kanya.
“Hindi puwede, hindi ako papayag sa—”