AURORA ANGELINA
“Ano ang ginagawa mo?” tanong niya sa akin kaya nanlaki naman ang mga mata ko.
Gusto ko na lang magpakain sa sahig sa sobrang kahihiyan ko. Alam ko na hindi maganda ang itsura ko ngayon. Sh*t! Nakakahiya talaga, bakit ba ako gumapang-gapang dito. Bakit ko pa ba ginawa ito?
“Why are you here?” tanong ko sa kanya dahil ayaw kong sagutin ang tanong niya sa akin.
“Nakita kita na nauntog. I’m here to check if you’re okay,” sagot niya sa akin.
“Okay lang naman ako. Hindi naman masakit.”
“Galit ka ba sa akin?” tanong niya sa akin at bigla na lang niyang sinara ang pinto ng room ko.
“Hindi,” tipid na sagot ko sa kanya.
Dahil hindi naman talaga ako galit. May dahilan ba ako para magalit sa kanya? Wala naman akong maaalala na dahil para magalit ako sa kanya dahil kiss lang ang maalala ko na ginawa niya sa akin kagabi.
“Sure ka?” tanong pa niya sa akin na para bang hindi siya naniniwala sa sagot ko.
“I’m not liar, kung ayaw mong maniwala ay ‘wag ka na lang magtanong,” medyo mataray na sabi ko sa kanya.
“Bakit hindi ka sumabay sa akin? Sino ang lalaking ‘yon kanina?” sunod-sunod na tanong niya sa akin.
“Hindi ako sumabay sa ‘yo at hindi rin naman ako sumabay sa kanya. Ano po ba ang problema? At bakit mo tinatanong kung sino siya?” tanong ko sa kanya at tumayo na ako.
“Gusto ko lang na malaman. Masama ba na magtanong?” tanong niya sa akin.
“Lumabas ka na po, ninong. Okay lang ako, baka hinahanap ka na nila,” sabi ko sa kanya.
“Dito muna ako, pagod na ako,” sabi niya at bigla na lang siya humiga sa kama ko.
Ako naman itong nakatingin lang sa kanya. Hindi kasi makapaniwala sa ginagawa niya ngayon. Parang wala lang sa kanya namalaman nila ang ginagawa niya. Talagang nakahiga pa siya sa kama ko.
“A–Ano ang ginagawa mo?” tanong ko sa kanya.
“I need to nap, pagod ako,” sagot niya sa akin at pumikit na siya kaya naman mabilis akong lumapit sa kanya.
“May guest room naman po dito. Doon ka na lang, ‘wag dito sa room ko,” sabi ko sa kanya pero parang hindi naman niya ako narinig kaya naman lumapit na talaga ako sa kanya.
“Hey, ninong. Wake up, gising po,” sabi ko pa at niyugyog ko siya pero wala pa rin talaga.
“Ninong, lipat ka na sa kabila, please. Baka dumating na sila daddy at makita ka nila dito,” sabi ko sa kanya.
“Ninong naman, nakakainis ka!”
“Bahala ka nga diyan!” sabi ko at tumalikod na ako para umalis pero bigla na lang may humawak sa kamay ko.
Nagulat naman ako dahil bigla na lang niya akong hinila kaya nawalan ako ng balanse at lumanding ako sa ibabaw niya.
“Bakit ba ang ingay mo?” pabulong na tanong niya sa akin kaya bigla na lang tumayo ang mga balahibo ko sa narinig ko mula sa kanya.
“N–Ninong, lipat ka na lang po sa guest room,” nauutal na sagot ko sa kanya.
“Ayaw ko doon, mas gusto ko dito sa room. Mabango,” sabi niya at hindi ko alam kung inamoy ba niya ako hindi.
Ayaw ko naman mag-assume pero parang gano’n ang ginawa niya sa akin. Mas lalo kasi akong nakaramdam ng kakaiba. At nasa ibabaw pa rin niya ako kaya mas lalo akong nag-overthink.
“Mabango rin naman po sa guest room. Wala naman pong mabaho sa bahay na ito,” sabi ko naman sa kanya dahil ‘yon naman ang totoo.
“Mas gusto ko ang amoy ng room mo, Angel. Hayaan mo na lang ako, just give me, twenty minutes,” sabi niya sa akin.
“N–Ninong, kagagaling mo lang sa paglalaro tapos nagpalamig ka dito sa aircon. Baka naman magkasakit ka,” sabi ko sa kanya pero naramdaman ko na lang ang pagyakap niya sa akin.
“N–Ninong,” sambit ko at tumingin ako sa kanya.
Mukhang tulog na talaga siya. Mas nilapit ko ang mukha ko sa kanya para pakiramdaman kung tulog na ba talaga siya. Narinig ko ang munting hilik niya kaya sa tingin ko tulog na talaga siya.
“Pero paano ako makakaalis sa pagkakayakap niya sa akin? Bakit ba kasi niya ginagawa ito? Ano ba ang nangyayari sa kanya?” sunod-sunod na tanong ko sa sarili ko.
Nakayakap pa rin siya sa akin at hindi man lang lumuwag ang yakap niya hanggang sa bigla na lang siyang nagbago ng posisyon niya. Nasa tabi na niya ako ngayon pero nakayakap pa rin siya sa akin hanggang sa ang legs na niya ang nakatanday sa akin. Kaya mas lalong wala na talaga akong pagkakataon na makaalis dito.
Itong lalaking ito. Hindi ko alam kung saan ba siya kumukuha ng lakas ng loob para gawin ito. At hindi ko siya maintindihan kung bakit ba niya ito ginagawa sa akin? Hindi naman kami sobrang close pero ginagawa niya ito ngayon na para bang wala lang. Na para bang sanay na siya.
Sure naman ako na gawain niya ito sa mga babae niya. Lalo pa at babaero rin ang isang ito. Pero inaanak niya ako? Pero hinalikan rin niya ako kagabi? Hindi ba talaga niya naalala ang ginawa niya kagabi? Lasing na lasing na ba talaga siya para hindi niya alam kung ano ba ang ginawa niya.
Naiinis ako dahil parang nagiging panatag ako sa kanya. Parang bumibigat na ang talukap ng mga mata ko at parang gusto ko ng matulog. Nakakainis talaga, bakit ko ba ito nararamdaman ngayon. Tumingin ako sa mukha niya at ang guwapo niya. Hindi naman talaga masasabi na pangit siya dahil ang dami ng pila sa clinic niya para lang magpacheck-up sa kanya.
Kaya nga ako inabot ng ilang oras para lang makapasok doon. Kung hindi ko siguro siya ninong ay baka hindi ako nakapagpa-check up sa kanya. Mabuti na lang ay inaanak niya ako kahit na ang awkward para sa akin na hawakan niya ang private part ko.
“Hindi ko alam kung ano ba ang ginagawa mong ito pero sana naman ay alam mo kung ano ba ang tama o mali. Uncle ninong pa naman kita,” salita na hindi ko kayang isatinig. Kaya nakatingin na lang ako sa kanya.