C-6

1067 Words
AURORA ANGELINA “Hop in,” utos ulit sa akin ni uncle ninong at nakakunot na ang noo niya sa akin. “Sino siya?” tanong naman sa akin ng kaibigan ko. “Ninong ko,” sagot ko sa kanya kaya nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Hindi yata siya makapaniwala na bata pa ang ninong ko. “Ninong mo?” “Yes,” sagot ko sa kanya. “Angel, I’m waiting,” sabi ni uncle ninong na halatang naiinip na. “Sa kanya ka ba sasabay?” tanong ni Marky sa akin at ako naman ay may nakita na taxi kaya nagmamadali ko itong pinara. Mabuti na lang rin talaga at walang pasahero ang pinara ko. Wala akong balak na sumabay sa kahit sino sa kanila. Para maging fair sa kanila ay wala talaga akong pinili. Mas okay na ‘yon kaysa naman piliin ko si uncle ninong tapos magtatampo naman si Marky sa akin. Matampuhin pa naman ang isang ‘yon. Minsan akala niya ay nasa high school pa lang siya. Pero babaero naman siya, hindi ko nga alam kung ganito rin ba siya sa iba o sa akin lang. Nakita ko na sumasabay ang motorsiklo niya sa taxi na sinakyan ko. Gano’n rin ang sasakyan ni uncle ninong. Nakasunod rin talaga siya sa akin. “Ma’am, kilala mo ba ang sumusunod sa atin na sasakyan at kotse?” tanong ng driver sa akin. “Opo, kaibigan ko po at ninong ko ang isa,” sagot ko sa kanya. “Mahal na mahal ka yata nila dahil talaga nakasunod sa atin,” sabi niya kaya tumawa naman ako. “Iisa lang po kasi ang way namin pauwi, kuya. Hayaan mo na lang po sila,” sabi ko sa kanya. Hindi na siya nagsalita. Ako naman ay nagbukas na lang ng phone ko para libangin ang sarili ko. Kaya lang nakakainis dahil sumasakit na naman ang puson ko. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko dito. Ayaw ko ng bumalik kay uncle ninong pero alam ko rin na kailangan ko. Next week na lang kapag natapos ko na ang mga unang prescription niya sa akin. Medyo traffic na dahil rush hour na ngayon. Makulit talaga si Marky dahil kinakatok niya ang bintana kapag naka-stop ang taxi. Hindi ko naman siya pinansin at hinayaan ko na lang siya. Marami ang sasakyan sa kalsada ngayon kaya hindi gaanong umuusad. Uwian na kasi ng mga tao. Kaya naman mahigit isang oras rin ang biyahe ko. Sa may labas ng subdivision na lang ako bumaba. Maglalakad na lang ako papasok sa loob. Malapit lang naman ang bahay namin at safe naman dito. Hindi nakakapasok ang hindi namin kilala ng mga guards sa main gate. Nagbayad na ako at nagpasalamat ako sa driver. Habang naglalakad ako ay sumabay sa akin si Marky. Nasa likuran ko lang siya ngayon. Puwede naman kasi siyang mauna pero mas pinipili niya sa sumabay sa akin. Tumigil ako at nilingon ko siya. “Nagtatampo ako sa ‘yo ha,” sabi niya sa akin. “Bakit naman?” tanong ko sa kanya. “Dahil hindi ka sumabay sa akin,” sagot niya kaya tumawa ako. “Kaya nga ako hindi sumabay para hindi ka magtampo pero nagtatampo ka. Mas magtampo ka kung sa ninong ko ako sumabay,” sabi ko sa kanya. “Kahit na, ako ang kaibigan mo eh,” sabi niya sa akin. “Mas okay na wala akong pinili. Sige na, uwi ka na. Sabay ka pa ng sabay sa akin. Ngayon lang naman ako hindi nagmotor,” sabi ko sa kanya. “Good night, Rora,” nakangiti na sabi niya. “Good night na. Mag-aral ka na lang kaysa pumunta ka sa bar,” sabi ko sa kanya pero tumawa lang siya. Mahilig rin kasing pumunta sa bar ang lalaking ‘yon. Tapos doon siya tumutikim ng mga babae. Kaya ayaw kong sumama sa kanya kapag niyaya niya ako. Baka mamaya ay kung ano pa ang gawin sa akin doon kapag naging busy siya. Hindi talaga siya nakinig sa akin kahit pa pinapauna ko na siya. Talagang hinatid niya ako sa bahay namin. At ako naman itong nagulat dahil nandito na sa labas ng gate namin ang sasakyan ni uncle ninong. Hindi ko alam kung napansin ba ito ni Marky pero umalis na ito para umuwi sa kanila. Ako naman ay pumasok na ngayon sa loob ng gate namin. Nawala na talaga sa isip ko ang sasakyan niya kanina kaya hindi ko na namalayan na nauna pa siya dito. Alam ko ay wala pa ang parents ko. Wala pa kasi ang sasakyan nila dito. Pero nagulat ako dahil nakikipaglaro na si uncle ninong sa mga kuya ko ng basketball. May basketball ring kasi dito sa garahe namin at malawak rin kaya naman madalas kapag bored ang mga kuya ko ay naglalaro sila dito. Mukhang maaga sila ngayon. “Nakauwi na po ako,” sabi ko sa mga kuya ko. Nagtagpo naman ang mga mata namin ni uncle ninong pero hindi ko na siya pinansin pa. Pumasok na lang ako ng diretso sa loob ng bahay namin. Umakyat ako sa room ko at nagpalit na ako ng damit ko. After ko magpalit ay hindi ko naman alam kung ano ba ang dapat kong gawin dahil wala naman akong school works ngayon. Wala sa sarili na tumingin ako sa may bintana ko. At natatanaw mula dito garahe namin. Nakikita ko na naglalaro pa rin silang tatlo at talagang kasundo rin nila si uncle ninong. Bata pa naman kasi ang uncle ninong ko. Hindi ko lang sure kung ilang taon siya pero nasa 30’s pa lang siya. Ang kuya niya ang ka-edad ng daddy ko at naging tropa na rin sila dahil close ito sa kuya niya. Natutuwa akong manood sa kanila kaya nagstay pa ako dito sa bintana ko hanggang sa bigla na lang tumingin si uncle ninong dito sa kinaroroonan ko. Kaya ako naman itong natataranta dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Mabilis akong nagtago para hindi niya ako makita. “Ouch!” napahawak pa ako sa ulo ko dahil nauntog ako. Gumapang na lang ako papunta sa kama ko para hindi ako makita ni uncle ninong pero nagulat naman ako dahil bigla na lang bumukas ang pinto ng room ko at… “Ano ang ginagawa mo?” tanong niya sa akin kaya nanlaki naman ang mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD