Halos magdoble na ang tingin ko sa mga taong nasa paligid ko. At ang buong lugar ay para ng umiikot kahit nakaupo lang naman ako. Sabagay hindi na nakakapagtaka 'yon, dahil halos maubos ko na ang isang bote ng whisky na kinuha ko kanina sa waiter. Gusto kung magpakalango sa alak. Iyong tipong wala ka ng mararamdaman sa lahat ng kagagahan mo sa buhay. Kung kailan gusto mong umiwas saka ka bibigyan ng pagkakataon ni tadhana para magkalapit kayo. Alam mo 'yong sobra siyang nananadya. "Hey, tama na yan. Sayang ganda mo kung bangag ka naman."-sita ni Crista sa akin. I smiled bitterly on her. I told them that I saw Fin except the part that I’ve been eaten with my own desire. "You look like a mess besh! Minsan try mo din embrace 'yong kamalasan mo."-inirapan ko lang si Rina. Kanina pa sila

