Hindi ko alam kung ilang pagmamakaawa na ang sinabi ko kay Mike, pero parang wala itong naririnig. Para itong bingi sa lahat ng pakiusap ko para tigilan na ang ginagawa niya. Wala itong naririnig bukod sa sarili nitong galit para sa nangyayari. Pawis na pawis ito habang nanlilisik ang matang nakatingin sa akin. Gusto kung lumaban, gusto kung magpumiglas sa kanya ng hilahin niya ako palapit sa kanya. Pero sobrang nanghihina pa ang katawan ko kaya wala akong magawa. Sinubukan ko ding kumapit sa bed pero sadyang nahihila niya lang din ako. "Mike, tigilan mo na ito."-muli kung pakiusap. Itinali niya ang mga kamay at paa ko sa bawat kanto ng kamang ito. Nakahantad ako doon na para akong isang alay sa demonyo. Sinubukan kung hilahin at tanggalin ang mga paa ko pero wala pa ring nagbago. "This

