Nakabalik na ulit ako sa bookstore pagkatapos ng ilang linggo kung pahinga. Naririndi na kasi ako dito na manatili lang sa bahay, dahil puro pangungulit na lang ni Mama at Hiyas ang naririnig ko. Sabagay maganda na rin ito dahil nakakalimot ako sa sunod sunod na problema ko. Plus pa yong mga nakakastress na nangyari lately. Kahit anong awat ko kasi sa utak ko doon bumabagsak o kaya doon sa lalaking ‘yon. "Ateeee.. ateeee.. gising!" sunod-sunod na sigaw ni Hiyas. Naalimpungatan ako sa mga katok ni Hiyas mula sa labas ng kwarto ko. Hindi ko napansin nakatulog na pala ako pagkagaling ko sa store. Madami kasing tao ngayon dahil bukod sa sahod ng mga tao ay weekend pa. Kinakain yata nila ang mga libro nila kaya walang tigil kakabili. Lulugo-lugo akong bumangon at binuksan ang pinto kung sa

