Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatingin sa babaeng 'to na hanggang ngayon ay tulog pa rin. Hindi ko nga rin alam kong bakit ba ako nandito sa silid na 'to at binabantayan sya. After I left her at the woods she just kept on crying like a baby. Pakiramdam ko habang pinapanood syang umiiyak mula sa malayo ay nasasaktan din ako. Pakiramdam ko ako ang dahilan ng lahat ng sakit na meron sya. Sabagay ako nga pala talaga ang nagsindi ng kong ano mang sakit na meron sya sa loob nya. Kaya nga lumalayo na ako sa seryosong buhay kasi ayokong nakakakita ng ganito tapos itong babaeng ‘to iyak ng iyak. Inikot ko ang mata sa kwartong tinutuloyan nya. Eto at ang buwan ang tanging saksi ng angkinin ko ang kainosentehang meron sya. Pagsisihan ko man ay wala na akong magagawa doon, hindi ko na

