Ilang araw ko ng iniiwasan si Igan. Simula nung aksidenteng halik na 'yon sa hardin. Hindi ko alam pero parang hiyang-hiya ako sa sarili ko dahil sa nangyari. May boyfriend akong tao pero kung kani-kanino ako nagpapahalik. Sabagay halik lang 'yun nagpakeme ka nga sa iba, mas malala pa 'yong tao hindi mo makita. Speaking of that.. simula ng makabalik ako hindi pa sya nagpapakitang muli. Para bang pinagtataguan nya ako. Napapaisip tuloy ako kung pinuntahan nya ba ako noong wala ako? Hinanap nya kaya ako? Sabagay sino ba naman ako sa buhay nya? Isang babaeng nilalabasan nya ng init ng katawan. Isang babaeng tinatanggap sya despite all the circumstances and secrets they had. "Te ano saang bansa kana nakarating? Lakas mo managinip."-sinamaan ko lang ng tingin si Karina bago tinuloy

