First Hookup: Three months ago MULA nang makilala ni Erica si Josh sa club kung saan niya ito "in-order," hindi na naputol ang komunikasyon nila. Nang mangailangan kasi ng bagong modelo ang women's magazine ng kompanya nila, inirekomenda niya si Josh. Kailangan lang naman ng "back up" para sa main model, kaya madaling nakuha ang binata. At iyon na nga ang naging simula ng pagdating ng mas marami pang oportunidad sa buhay nito na naging susi para makaalis ito sa pagiging call boy. Sa tatlong taong lumipas, naging magkaibigan sila ni Josh. Hindi niya sasabihing mag-best friend sila dahil ayaw niyang bumagsak sa cliché ng magkaibigang may itinatagong pagtingin—o pagnanasa—para sa isa't isa. Pero aaminin niya na kahit mas bata sa kanya nang tatlong taon si Josh, ito ang naging security bl

