Present HINDI na gusto ni Erica ang tinatakbo ng party na iyon. Ginaganap iyon sa VIP lounge ng bar na pag-aari ni Josh at ng mga kaibigan nitong modelo na kasama rin nila nang mga sandaling iyon. Birthday ng isa sa mga kasamahan nito sa agency kaya doon ginanap ang selebrasyon. Okay sa kanya sina Flynn, Leighton, at Anthony—ang mga kasosyo ng binata sa negosyo. Mababait ang tatlo at madali pang pakisamahan. Ang pinakaayaw niya lang ay ang mismong birthday celebrant na si Luis. Kanina pa nagbibiro si Luis tungkol sa mga gigolo at call boy na dapat daw ay i-hire nina Josh sa bar para mas maging malakas ang kita niyon. Ang mas nakakainis pa, tuwing babanggitin nito ang bagay na iyon, binibigyan nito ng makahulugang tingin si Josh. Halata na rin sa mukha ni Josh ang matinding iritasyon,

