Prolouge
Ako nga pala si Fecility Hope Dimagiba, 18yrs old
College student sa isang pribadong university. im taking up civil engineering 3rd year na ako. Isa pala akong iskolar sa school na ito na pag mamayari ng mga Mondragon, kasambahay ang nanay ko sa pamilyang ito. Kaya nung grumaduate ako ng highschool ay pinag pasyahan ng aking nanay na dun ako mamasukan na katulong, pero dahil sa mabait ang amo ng nanay ko at naawa sila saakin. Binigyan nila ako ng scholarship, tuwing wala akong pasok ay tumutulong ako sa mansyon, pero ngaun ay pinag part time na ako ni Mrs. Mondragon sa construction business nila. Para daw mas matuto ako. Sobrang bait ng pamilya na ito saakin. Para na silang pangalawang magulang ko. Dahil na rin siguru ay wala silang anak na babae. Hindi naman kami mahirap nuon, isang Engineer ang tatay ko sa ibang bansa. Kaso sumakabilang bahay sya kaya ang nakasanayan namin na buhay ay bigla nag iba. From private school naging public. Samahan mo pa na nag asawa ng maaga ang dalawa kong kapatid. Kaya kami na lang ni nanay ang natira. Pangarap ko talagang mag college kasi yun ang mag babago sa masilamuut kong buhay. Pero ang buhay ay talagang mapag laro, ng dumating ang nag iisang anak ng mga mondragon. Sya si Nathan mukang angel pero lucifer ang ugali.. nakikita ko na sya nuon nung highschool pa lang ako. Pag bakasyon kasi ay pumupunta ako sa masyon para tulungan ang nanay at panahong iyon ay nakakaipon din ako dahil sinuswelduhan rin ako ni Mrs. Mondragon. Nung grumaduate ng highschool si Nathan ay tumira na sya sa amerika at dun nag kolehiyo. Di ko nga alam kung bakit umuwi pa sya. Dahil siguru sa sobrang pasaway nya ay pinabalik sya dito sa pilipinas, ikaw ba naman ang mag party all night..
At dito na nga nagulo ang tahimik na collage life ko..