HAWAK ni Edna sa isang kamay si Perly habang nagalakad sila papunta sa park. Hindi naman iyon malayo sa bahay nila. Hindi maalis ang matamis na ngiti sa labi ng anak niya habang lanay ang tingin sa mga nakikita niya sa daan. "Nay, ibili niyo po ako ng laruan. Gusto ko po 'yong barbie," biglang sabi ni Perly na ang mata ay nasa tindahan ng laruan. Napahinto si Edna sa paglalakad at nilapitan ang barbie na sinasabi ng anak. Hinanap ang tag price. Nanlaki ang mata niyang nasa isang libo mahigit ang presyo. "Nak, sa palengke na lamang kita ibibili ng barbie. Mas maganda pa d'yan." Napangiwi siya sa sinabi sa anak. Sana ay bumenta ito kay Perly at hindi na mangulit na bilhin ang laruan. "Sige, po." Tila napipilita pa si Perly na yumuko na lamang ng ulo. Hinawakan muli ni Edna ang kamay ng

