SOBRANG nag enjoy si Perly at magga-gabi na ng makauwi sila. Hindi lang ang anak ni Edna ang naging masaya ngayong araw. Maging siya ay sobrang kaligahan ang naidulot sa kanya ng kanilang pamamasyal. Hindi niy maintindihan kung bakit pero nararamdaman ng puso niya. "Nanay, salamat po naipasyal niyo ako sa park. Puwede po bang bukas ulit?" untag ni Perly sa ina na humiling mamasyal muli bukas. "Hindi puwede na araw araw. May trabaho si nanay. Kapag sabado at linggo. Kailangan ng mag ipon ni nanay. Papasok na sa school si Perly," ipaliwanag ni Edna ng maigi kung bakit hindi puwede na araw araw pumunta sa park. "Sorry po, nanay. Sa sabado na lamang mo po ako ipasyal sa park." Tumango si Edna bilang tugon sa anak. Nakauwi na ng bahay ang mag ina. Agad na yumakap si Perly sa kanyang Lola R

