Chapter 4

2076 Words
KOMPLETO ang buong barkada nina Peter sa bahay ni Ely. Kahit na busy sa kanya kanyang mga kompanya ay may panahon pa rin sila sa bawat isa. 'Pag may problema ang isa sa kanila. "Iyan, ipinahanda ko na sa abogado na kakilala ko. Huwag mong pipirmahan. Ibigay mo na lang kay Cory," ani Omar at inilapag sa table ang ipinagawa ni Ely sa kanya. Sumimsim muna ni Ely ng alak sa kopita niya. Pagkatapos ay kinuha at binasa ang dokumento na inilapag ni Omar. "Salamat. I owe you this one." "No, pare. Mahal ang bayad niyan." "Ano naman ang gusto mong kabayaran?" Napaisip pa si Omar. "Simple lang. Ipa-date mo sa 'kin si Edna," bigla silang napatingin sa babaeng may dalang tray na naglalakad palapit sa kanila. "Speaking of Edna, here she comes," may pilyong ngisi sa labi si Omar. May naisip na naman itong kalokohan. Naglalakad palapit si Edna tangan ang tray na may laman na pulutan at dagdag na beer para sa amo at sa mga kaibigan nito. Inilalapag niya ang tray sa center table. Ang mga mata ni Peter ay nasa bawat galaw ng dalaga. "Look at Peter," mahinang bulong at turo ni Omar kay Peter. "Yeah, I already noticed him. Staring at Edna. Palagi niyang ginagawa sa tuwing pumupunta siya rito sa bahay." "Ler's us see what he will gonna do?" ani Omar. Bumubulong ito kay Ely. May nabubuong plano sa isip niya. Akma nang aalis si Edna ng gagapin ni Omar ang palapulsuhan niya. Nilingon ni Edna ang taong humawak sa kamay niya. "S-Sir m-may kailangan pa po ba kayo?" nauutal na tanong niya. Ang mata ay napatingin sa kamay nang kaibigan ng amo. Matalim na tumingin si Peter kay Omar. Sa klase ng tingin na parang bubulagta si Omar sa sahig. "Yeah. Puwede ka bang ma-invite mag-dinner?" tanong ni Omar. Nagngitian sina Parker at Vincent. Si Peter ay walang reaksiyon na nakatingin lang kina Edna at Omar. Hindi ito nakatiis at kinuha ang isang bote ng beer at binuksan saka ininom ng straight. Napatingin si Edna sa kaibigan ng amo niya. Pagkatapos ay sinundan nang tingin ang kamay na hindi pa din siya binibitawan. "Peter, dahan dahan ang pag inom. Marami pang beer dito," saway ni Nickson sa kaibigan. Hindi iyon pinansin ni Peter at tinuloy lang ang pagtungga sa bote ng alak. "Edna, pumapayag ka na ba? Payag naman itong amo. Pinaalam na kita. Sagot mo na lang ang hinihintay ko," nangungusap ang mga mata na sabi ni Omar. "Pumayag na ako, Edna. Tutal hindi ka pa nakakapag-day off, diba? Kaya free ka to date Omar. Kung papayag ka?" dugtong na pangungumbinsi ni Ely. Napaiwas nang tingin si Peter. Napabuga ng hangin. Pinipigilan ang galit na mamumuo sa kanyang dibdib. Siniko ni Nickson si Peter. "Pare, hindi ka mapakali d'yan. May problema ka ba?" Tumayo si Peter. "Alam niyo kayo kayo na lang ang mag usap. Uuwi na ako," nakapameywang itong hindi maipinta ang mukha. "Easy, pare. Galit na niya. Saka kanino ka ba nagagalit?" nagtatakang tanong ni Vincent. Hinawakan niya ito sa braso at hinila ulit paupo sa tabi niya. "No. Hindi ako galit saka bakit ako magagalit?" bumunghalit nang malakas na tawa si Omar. "Sorry, Edna. Siguro next time na lang. Mukhang may magagalit," pagpaparinig na bulalas ni Omar. Binitawan na niya ang kamay ni Edna. "Sige po, Sir. Kung wala na po kayong iuutos. Aalis na po ako," magalang na paalam ni Edna. Tumango naman si Ely at tumalikod na si Edna para pumunta sa kusina. Nag-uunahan ang pagpintig ng puso niya. Hindi niya mawari kung bakit. Ramdam ni Edna ang mga mata na nakatingin sa kanya. Hindi pa din nagbabago ang timpla ng mukha ni Peter. Why he is being so bitter? Kanino? Kay Edna? Napabuga nang hangin si Peter. "Anong nangyayari sayo, Peter? Galit ka ba kay Omar?" tudyong mga tanong ni Vincent. "Wait... Me?" turo niya sa sarili. "Bakit ako magagalit kay Omar? May ginawa ba siyang hindi maganda sa akin?" "Huwag mo nang ikaila. Gusto mo si Edna," untag ni Parker. Umiling iling ng ulo si Peter. "What is so special to that girl para magkagusto ako?" defensive na tanong niya. Natawa ang mga kaibigan niya sa kanya. "Okay, sinabi mo," ani Ely. Umiwas ng tingin si Peter sa kanila. "What do I feel like this? May gusto na ba ako sa plain na babaeng iyon? I don't think so. Masyado pang maagap para umamin na gusto ko ang babae na iyon. Baka attraction lang ito," mga tanong ni Peter sa isip. Tahimik si Peter buong oras na kasama niya ang mga kaibigan niya. Sinisipat ang sarili kung ano na talaga ang nararamdaman niya. Ilang araw nang hindi napapasyal si Peter sa bahay nina Ely. Bumalik na si Cory sa bahay ni Ely. Ito na ngayon ang tumitingin sa mga bata. Katu tulong si Edna kay Ditas sa ibang gawain sa bahay. "Mabait pala ang asawa ni Sir Ely," komento ni Edna. "Oo. Maganda pa. Kaya siguro nainlove si Sir Ely sa kanya," sabi naman ni Ditas. Sigurado ka na ba na lalabas ka bukas?" dagdag na tanong niya kay Edna. "Opo, Ate Ditas. Anim na buwan na din pala ako dito. Gusto ko naman na lumabas kahit isang araw lang. Dadalawin ko na din si Tiyang Roma. Mag-iinquire din ako sa university. Susubukan kong makapag aral sa susunod na school year." "Maganda iyang plano mo. Mag aral kang mabuti. Huwag ka muna maglandi. Masasayang ang hirap mo sa pagtatrabaho dito," bulalas ni Ditas. "Hindi naman po ako naglalandi." "Ano iyong napapansin ko sa inyo ni Sir Peter? Tandaan mo katulong lang tayo at mga amo natin 'yon. Baka maging kawawa ka lang. Kapag itinuloy mo iyang feelings mo sa mga amo natin." "Hala, Ate Ditas. Wala naman po akong gusto sa mga amo natin. Humahanga lang po ako." "Humahanga ka? Kay Sir Ely nagkagusto ka. Ngayon kay Sir Peter naman. Ano bang gusto mong mangyari, Edna?" Napaamang ang labi ni Edna. Ganoon na pala siya sa isip ni Ditas. "Ate Ditas, hindi naman po porket gusto ko si Sir Ely ay gusto ko din po si Sir Peter. Hindi ko naman gusto sila. Humahanga lang po dahil hindi naman ako madalas nakakakita ng lalaking katulad nila. Wala po sa akin iyon. Doon pa din ako sa pangarap kong makapag-aral. Pero huwag niyo po akong husgahan." maluha-luhang sabi ni Edna. Nasaktan siya dahil hinusgahan na kaagad ang pagkatao niya. "Pasensiya ka na sa katabilan ng dila ko, Edna." hinawakan ni Ditas kamay ni Edna. "Sorry talaga. Hindi talaga ganoon ang tingin ko sayo. Huwag mo na lang pansinin ang mga sinabi ko." apolygetic na untag ni Ditas. Sumobra ang pagkakasabi niya. "Okay lang po. Gagawin ko na lang po na inspirasyon ang mga sinabi niyo, Ate" nakangiti na pinunasan ni Edna ang mga luha niya. Kinabukasan ay inspirado na gumising si Edna. Ngayon ang unang day off niya. Simula nuong manilbihan sa mga Andrew. Six months na siya na nagtatrabaho sa unang pamilyang pinagsilbihan niya. Bihis na si Edna. Naka-floral dress lang siya. Tinernuhan niya nang white sling bag. At sandals na di tali. Umiikot ikot pa siya sa harap nang salamin. At napangiti. First time niya makapagsuot nang ganitong mga damit. May bag na may maganda pang stinelas sa paa. Lumabas na siya nang kuwarto niya at magpapaalam sa mga amo niya. Balak din niya munang dalawin ang Tiyang Roma niya. Medyo matagal na din silang hindi nagkikita. Siya na lamang ang nag-iisang pamilya niya. Wala naman siyang ibang kilala sa mga kamag-anak niya. Dahil ang sabi sa kanya nang Mama niya ay itinakwil ang Papa niya nang mga magulang nito. Hindi na din niya inungkat ang tungkol doon. Dahil nakuntento siya sa pagmamahal ng magulang niya. Hindi niya lang inakala na hindi na sila magkikita nang Mama at Papa niya nuong umalis ito ng bahay nila. Hindi din niya alam kung saan sila nagpunta at kung sino ang kinatagpo nila nuong araw na mawala sila. Masakit isipin na naulila siyang hindi man lang masilayan ang magulang niya. Hindi niya alam kung buhay pa ang mga ito o patay na. Pero umaasa siya na isang araw ay babalik sila upang muling magkasama na isang buong pamilya. "Ma'am Cory, aalis na po ako" pagpapaalam na sabi ni Edna nang makita ang among babae sa sala. Ngumiti ito sa kanya. "Ang ganda mo ngayon, Edna. Bagay pala sayo ang nag-aayos" komentong papuri ni Cory sa kanya. Nilapitan pa siya at may inilagay sa kamay niya. "Huwag mong ibabalik. Magagalit ako. Para sayo talaga 'yan. Pandagdag mo pambili sa mga gusto mong bilhin." "Nakakahiya po. Pero maraming salamat po, Ma'am Cory." "Oh, siya. Umalis ka na at pupuntahan mo pa ang Tiya mo. Kapag ginabi ka nang uwi. Tumawag ka at ipapasundo kita sa tagamaneho" bilin na sabi ni Cory. "Maraming salamat po talaga. Hindi na po ako magpapaabala, Ma'am. Kaya ko naman pong umuwi mag-isa." "Okay. Mag-iingat ka." Tumango ng ulo si Edna. Saka umalis nang bahay. Tumingala siya at nakita ang ganda ng mga ulap. Hindi masyadong mainit. Sakto lng sa balat ang init na nagmumula sa sinag ng araw. Palabas na siya nang subdivision nang may mamataang sasakyan na papunta sa kanya. Iiwas sana si Edna nang huminto ito sa gilid niya. Ibinaba nito ang salamin nang bintana ng kotse niya. Napaawang ang labi ni Edna sa pagkakita kay Peter. Lumabas ito nang sasakyan niya. Tinanggal ang shades sa mata. Natulala si Edna. Nakatitig lang siya kay Peter na lumalapit sa kanya. Napasinghap si Edna nang maramdaman ang kamay nito sa braso niya. Iba sa pakiramdam niya. Ang hatid ng hawak na iyon sa kanya. Hila-hila siya ni Peter papunta sa sasakyan. "Ano ba, Sir Peter?! Bitiwan mo nga ako!" pumalag si Edna at sinubukang tanggalin ang kamay ni Peter sa braso niya. Mas hinigpiran pa nito ang hawak sa braso niya. "Don't protest against me, Edna. Better sh*t up your mouth! You will go with me. Sa ayaw o sa gusto mo!" Nanlaki ang mga mata ni Edna. Sa nakikitang galit sa mga mata ni Peter ay tila kinabahan siya. Pumayag na din si Edna na magpahila kay Peter at isakay sa loob nang kotse ng binata. Kaagad na ikinabit ni Peter ang seatbelt kay Edna nang maisakay niya ito sa front seat. Todo pigil naman si Edna sa kanyang paghinga dahil sa sobrang lapit nang mukha ni Peter sa kanya. Humarap ito sa kanya at nginisian siya. Na lalong mas nagpakulo nang dugo ni Edna. Isinarado ni Peter ang pinto saka umikot papunta sa driver seat. Nang makaupo ay ikinabit ang seatbelt sa katawan niya. At binalingan si Edna. "Where do you want to go?" "Alam ba nito na day off ko ngayon?" tanong ni Edna sa isip. "Hey! I'm asking you. Saan ka pupunta?" ulit na tanong ni Peter. "Sa Tiyang Roma ko po" nahihiyang sagot ni Edna. "Okay. Give her address and we will go there." "Ano ba naman ito?" nausal ni Edna sa isip. "Bakit sasama ka pa? Saka day off ko ito. Bakit andito ka?" lakas loob na tanong ni Edna. "I know. It's your day off. Kaya ihahatid kita sa mga pupuntahan mo ngayong araw" sagot ni Peter. Nalaglag ang pa nga ni Edna. "Bakit po sasama ka pa, Sir Peter? Kaya ko naman mag-commute. Hindi mo na ako kailangan na itahid sa pupuntahan ko." Kunot ang noo na humarap si Peter kay Edna. "You're not allowed to go without me. Kahit saan ka pumunta sa labas. Dapat kasama ako. Bago ka pa umalis dapat alam ko. Dahil hindi ka aalis ng bahay ng kaibigan ko nang hindi ko nalalaman." may diing sabi pa ni Peter. "Bakit mo ba ito ginagawa, Sir Peter?" "Can you drop the Sir? Peter na lang." "Hindi po puwede! Kaibigan kayo ng amo ko. At bakit kung umasta ka boyfriend kita?" mariing tanggi ni Edna. "Exactly. Kaibigan ako ng amo mo. So, hindi ako ang amo mo. Kaya, you can call me by my name. I would be more happy if you will drop the "po". Do you understand, Munchin?" "Ano daw?" natitigilang tanong ni Edna. "From now on, I will call you munchin. Ang cute mo kasi. Parang cupcake na maliit ang pisngi mo. Kaya masanay ka na. Puwede mo din akong tawaging Munchin. Endearment nating dalawa." "Sir, wala pong tayo. Para tawagin kitang munchin. At saka hello! Boyfriend ba kita?" "Malapit na," sagot ng nakangising si Peter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD