Chapter 3

2166 Words
PANAY ang silip ni Peter sa labas ng gate. Nasa harapan siya ngayon nang gate ng bahay ni Ely. Hindi niya malaman sa utak niya kung bakit pilit siyang hinahatak ng kanyang paa. Papunta sa bahay ng kaibigan niya. "Mr. Peter, pumasok na po kayo sa loob. Pero wala po si Sir Ely pumasok na po kompanya," paaanyaya ng guard na nagbabantay sa gate. "It's okay, manong. I'm okay here outside." "Pero ang init po d'yan," giit ni manong guard kay Peter. Katirikan ng araw sa labas. Pero hindi man lang iniinda ni Peter ang mainit na sinag ng araw. Sa kaputian niya ay hindi na siya tinatablan ng sun burn. Mas lalo lang namumula ang balat niya kapag naarawan. Itinaas ni Peter ang isang kamay para sabihing okay lang talaga siya. Napakamot ng ulo ang guwardiya dahil sa ayaw niyang pumasok sa loob. Hindi naman ang kaibigan niya ang sadya niya. At hindi siya aamin dito kung sino talaga ang ipinunta niya. Napagpasyahan ni Peter na bumalik sa kanyang kotse. Saka iniatras ang sasakyan. Kunwari'y aalis pero bumalik sa isang tago na puwesto, tamang tanaw sa malaking bahay ni Ely. Mataman siyang naghihintay. Ilang minuto lang ay lumalabas ang isang pamilyar na pigura. Nanghahaba ang kanyang leeg sa pagtanaw kay Edna. Si Edna talaga ang sadya niya. Gusto niyang masilayan ang mukha ng dalaga bago siya pumasok sa kompanya. Hindi niya alam kung bakit. Pero ayaw na niyang alamin ang nararamdaman niya. Nang bumalik sa loob ng bahay si Edna ay binuhay niya ang makina ng kotse at pinaharurot paalis sa lugar na 'yon. Ngiting ngiti na parang baliw lang. "What's happening to you? Are you crazy? Gusto mo na ba ang nanny na 'yon?" mga tanong ni Peter sa isip. Iiling iling siya habang nakangiti. Sumaglit lang si Peter na pumunta sa kanyang kompanya. Nang nasa lobby na siya lahat ng mga empleyado niya ay panay ang tingin sa kanya. Sa ka-gwapuhang taglay lahat ay mapapalingon sa isang Peter Jon Clarkson. Isang grupo ng tatlong babae ang nagbulungan pa. At nang tapunan niya ito ng tingin ay tila nagpapa-cute ang mga ito kanya. Kumunot ang noo niya. "Back to work, hindi ko kaya sinuswelduhan para lang magdaldalan dito sa lobby. Now go!" bulyaw ni Peter sa mga babae. Nagtaas baba ang balikat ng mga ito sa gulat. "Sorry po," sabi ng isa sa tatlong babae. Saka nagyuko ang mga ito ng ulo nila. At isa isang nag alisan sa harapan ni Peter. Tinatanaw na lamang ni Peter ang tatlong babae na naglalakad palayo sa kanya. Saka siya napailing iling. Nagpatuloy siya sa paglalakad papunta sa elevator para sa CEO. Pagkarating ni Peter sa loob ng opisina niya ay hinubad niya ang kanyang coat at inilagay sa headrest rest ng kanyang swivel chair. Saka naupo at isinandal ang likod sa headrest ng swivel chair niya. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata. At inalala ang mukha ni Edna. May sumilay na ngiti sa labi niya habang naiisip ang dalagang nanny ng mga anak ni Ely. "Anong nangyayari sa 'yo, Peter? Bawal kang main-love sa babaeng 'yon. Tandaan mo isa lang siyang nanny," paalala ng sariling utak niya. Naagaw ang pansin niya ng kanyang sekretaryo na naglalakad palapit sa kanya. "Sir, may bisita po kayo," bulalas na imporma ng sekretaryo niyang si Akex. Ayaw niyang kumuha ng babaeng sekretarya dahil alam niyang maglalandi lang ito sa kanya. Napaangat ang tingin niya kay Alex. "Who?" kapapasok pa lang niya sa kompanya niya ay may hindi inaasahan na bisita agad siya. Marahas siyang napabuntong-hininga. Inis na niluwagan ang kanyang tie. "Ang Auntie Delia niya po." Madilim ang mukha na tinapunan ng tingin ni Peter si Alex. "What do I told you before? Kung sina Auntie Delia at Uncle Percival ang pupunta rito sa CGC. Sasabihin mong wala ako, di ba?" "Sorry--" "Enough for you're sorry. Now get out! At papasukin mo si Auntie Delia sa loob ng opisina ko," putol na utos ni Peter kay Alex. Walang nagawa ang sekretaryo ni Peter kundi ang sundin siya. Kung ayaw nitong makatikim ng muli ng malakas na bulyaw galing sa kanya. Lumalabas ang pagiging mabagsik ni Peter dahil sa ayaw na ayaw niyang makita ang isa sa mga kapatid ng daddy niya. Alam niya kung ano ang ipinunta ng auntie niya sa opisina niya. Manghihingi na naman ito ng pera. Akala mo ay may pinapatago sa kanya. His father inherit to him everything para wala ng habol pa ang mga kapatid nito sa lahat ng ari arian nila. Subalit ayaw siyang tantanan ng mga ito kahit na mayroon naman silang sari sariling negosyo. Ngunit ang CGC ang isa sa pinakahinahangad nila makuha sa kanya. Hindi naman niya ibibigay kahit anong gawing masamang pananalita ang sabihin ng ng mga kapatid ng kanyang daddy. Naglalakad papasok ang isang sopistikadang babae na medyo may edad na rin. Sa hilatsa ng itsura nito kitang kita na may sinasabi sa buhay. Dagdag pa ang kumikinang na maraming burloloy na nakasuot sa kanyang buong katawan. "Magandang hapon, mahal kong pamangkin." Lumapit si Delia kay Peter. Hindi na ito naghintay na alukin siya ng bangko ng pamangkin at kusa siyang umupo sa upuang nasa harap ni Peter. "What do you want Auntie Delia?" kunot ang noo ni Peter na tanong sa tiyahin. "I just drop by. May pinuntahan kasi ako na malapit lang dito sa kompanya mo. Naisipan kong dalawin ka. Ang layo na ng narating ng kompanya ng kapatid ko." Inilinga ni Delia ang mata sa buong opisina ng pamangkin. Naningkit ang kanyang mata ng makita ang larawan ng yumaong kapatid. Bunso sa magkakapatid si Pablo Clarkson, ang ama ni Peter. Si Delia ang panganay at ang sumunod kay Delia ay si Percival. Ang laki ng inggit nina Delia at Percival kay Pablo dahil ito ang paboritong anak ng mga magulang nila. Ipinama kay Pablo ang Clarkson Group of Companies na matagal ng gustong pamahalaanan ni Percival. Naging busagulero si Percival kaya nawalan ng tiwala ang kanilang ama sa kanya na minamasa naman nito. Gumawa ng sariling pangalan ang CGC sa loob at labas ng bansa sa pamumuno ni Pablo. Mas lalong napalapit ang loob ng kanilang ama rito. Nakita nila ang sipag at pagmamahal sa kompanyang unang pinagsikapan ng yumaong si Preston Clarkson. Kaya anuman ang desisyon ni Pablo ay sinusuportahan ng ama. Bagay na hindi makuha ng dalawang kapatid. "Sabihin niyo na po ang kailangan niyo po dahil marami pa po akong trabahong gagawin," usal ni Peter. Napaharap ang tiyahin niya sa kanya. Nginitian ni Delia si Peter. "Parehong pareho kayo ng ama mo kung paano ako pagsalitaan. Masama bang dalawin ka paminsan minsan dito sa CGC? Besides, kompanya ito ng nasira naming ama at hindi sa tatay mo." Lihim na napakuyom ng kanyang kamao si Peter. Nawala na ang kanyang Ama ay ganoon pa rin ang mga kapatid nito kung itrato siya. Ang akala nila ay sinisiraan ng daddy niya ang mga kapatid niya sa kanilang ama. Kaya ganoon na lamang ang galit nila noong hindi kina Delia at Percival ipinama ang CGC. May naiwan naman ang nasirang lolo niya sa tiyahin at tiyuhin. Pero ang CGC ang gusto nilang maangkin dahil sa laki ng kinikita nito sa loob ng isang taon. Hindi naman lalago ang CGC, kung hindi dahil sa kanyang yumaong amang si Pablo Clarkson. Itinutuloy ni Peter ang mga itinuro nito sa kanya. "Matagal na pong patay si daddy, Auntie Delia. Kahit paano naman po ay igalang niyo ang tatay ko. 'Di na iyon makakabangon para ipagtanggol ang sarili niya laban sa mga paninira niyo ni Uncle Percival," nasa mababa pa rin ang tono ng boses ni Peter. Ayaw niyang mas sumabog sa galit dahil sa pang iinsulto ng kapatid ng daddy niya. Tumaas ang sulok ng labi ni Delia. "Kahit kailan, Peter. Hindi mo malalampasan ang nagawa ng tatay mo sa kompanyang ito! Saka ipinamana lang ni papa ang kompanya namin sa ama mo. Kung tutuusin ay sa amin dapat ni Percival ipinamana ni Pablo ang CGC. Pero sa iyo ibinigay. How dare him!" Napatiim si Peter ng labi niya. Gusto man niyang sigawan ang Auntie Delia niya ay hindi niya magawa. Kapatid pa rin ito ng daddy niya. At ang turo sa kanya ng kanyang ama, igalang sila kahit pa masama ang mga ugali nila. "Ano po ba talaga ang ipinunta niyo rito sa CGC? Dahil nagtitimpi lang po ako, kung maubos ang pasensiya ko. Pasensiyahan po tayo," tanong at babala ni Peter. Kanina pa sinusubok ng kanyang tiyahin ang kanyang pasensiya. Malapit na rin siyang mabugnot sa ipinapakitang asal ng tiyahin. Nginusuan siya ng Auntie Delia niya. Saka nakasimangot na tumalikod kay Peter at malalaki ang hakbang naglalakad palabas ng opisina niya. Nasisindak din pala. Nakahinga ng maluwag si Peter. Dahil makalabas na ng opisina niya ang Auntie Delia niya. Hindi pa rin talaga tumitigil ang kapatid ng kanyang ama na pabagsakin siya. Kahit ano naman ang gawin nila ay hindi nila siya kayang tanggalin sa CGC. Mananatili sa kanya ang kompanyang pinaghirapan ng kanyang ama sa kanya. Muling itinuon ni Peter ang kanyang isip sa mga papel na nasa ibabaw ng lamesa niya. Pansamantalang inalis sa isipan ang problema sa mga kapatid ng kanyang ama. Maging si Edna ay inalis sa isip para makapagtrabaho ng maayos. Ilang gabi na rin na ginugulo ang isip niya ni Edna. Para itong magnet na pabalik balik sa utak niya. Nang matapos ang maghapong ginugol niya sa kanyang opisina ay mabilis siyang tumayo saka isinuot ang kanyang coat. At lumabas ng opisina niya. "Alex, I'm going home. Kung gusto mong umuwi na, umuwi ka na rin." Nag angat ng mukha si Alex. "Sige po, sir. Pauwi na rin naman po ako." Napaisip si Peter. "Call someone and tell her to come to my condo. Remember, gusto kong malinis at wala sakit. Gorgeous and sexy lady." "O-Okay, sir. Dating gawi po ba?" Tumango lang si Peter. Ang dating gawi. Wala sa loob na napangiti si Peter. He needs to lay down and step down with girls sometimes. Ang stressful ng buong isang linggo niya sa lahat ng kanyang mga isipin. Umuwi si Peter sa kanyang condo. Naupo sa couch. Ito na naman ang feeling na mag isa lang siya. Kaya ayaw niyang umuwi sa kanyang bahay. Parang siyang aalog alog sa malaking bahay niya dahil siya lang mag isa. Tanging mga katulong lamang ang kasama niya sa bagay niya. Kaya nga mas gusto pa niyang umuwi sa condo niya kesa mag-stay ng matagal sa bahay niya. Lalo lamang lumulungkot ang atmosphere niya sa pag iisip ng kung ano ano. Maging ang pagkawala ng parents niya ay hindi pa rin nakukuha ang hustisya. His parents died in a car accident. Dead on the spot sila sa loob ng sasakyan. Walang nakakita or makapagsabi kung ano ang totoong nangyari. Gumuho ang buong mundo ni Peter sa pagkawala ng kanyang mga magulang. Napalingon siya sa pintuan nang may magdoorbell. Baka ito na ang ipinauutos niya kay Alex. Sumilay ang isang malawak na ngiti sa kanyang labi nang sumagi sa isip niya na babae ang nagdodoorbell ngayon. And then he removed all of his clothes. And only left his boxer shorts. Saka naglakad papunta sa pintuan. Nang makalapit ay hinawakan niya ang knob ng pinto at binuksan ng dahan dahan. May nakaplaster na mawalak na ngiti sa kanya. "Hi, pare," ang ngiti ay napalitan ng pagkakunot ng noo ni Peter. "Why are you here?" "Papasukin mo muna ako sa loob ng unit mo," bulalas na saad ni Omar. "You're not welcome here. Umuwi ka na." Taboy ni Peter sa kaibigan. Akala niya ay ang babaeng iniutos niya kay Alex ang dumating. Tumawa ng malakas si Omar sa tinuran ng kaibigan niya. "Alam ko na kung bakit ka ganyan. Akala ko siguro ang babae mo na ang dumating?" Hinawi ni Omar ang kaibigan at walang pakialam na pumasok sa loob ng condo ni Peter. Nakakunot pa rin ang noo na isinarado ni Peter ang pinto. Sinundan niya si Omar na bigla na lamang pumasok sa loob ng condo niya. Para itong may ari na basta na lamang dumiretso sa kusina niya at kumuha ng beer sa fridged. "Ano bang kailangan mo at naparito ka?" Humarap si Omar kay Peter habang binubuksan ang beer. Kumuha pa ito ng isa at inihagis kay Peter. Tinanggap naman ito ng kaibigan niya. Saka tumungga ng alak sa bote. "I'm bored. Puwede ba akong makitulog dito?" Napaayod ng tayo si Peter. Hindi niya maitataboy ang kaibigan niya palabas ng unit niya. Palagi namang nakikitulog si Omar sa condo niya. "Bahala ka na nga. May food d'yan, kumain ka na lang kung gusto mo. 'Wag mo akong iistorbohin. Matutulog na lamang ako." Tinalikuran na niya ang kaibigan. "Paano ang babae mo 'pag dumating?" "Sa 'yo na lang. Nawalan na ako ng gana. By the way thank you for saging me," nakangising sagot ni Peter na hindi na tinapunan ng tingin si Omar. "Thanks, pare." Ang pahabol na turan ni Omar sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD