LIMANG BUWAN ang lumipas. Nagtatrabaho si Edna sa pamilya nina Ely. 'Di niya maitaranggi na may paghanga siya sa among lalaki. Sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Eliseo Andrew?
Mabait, guwapo, mayaman, matalino, at marami pang ibang magagandang katangian na gusto ng mga babae sa isang lalaki.
"Hoy, Edna! Iyong mga mata mo. Kung makatitig ka kay Sir Ely, ha. May asawa na 'yan. Yaya ka pa ng dalawang anak" sita ni Ditas sa kanya.
"Ate Ditas, humahanga lang po ako. Masama po ba iyon?" nakanguso na sagot ni Edna. Tinutulungan niyang magluto si Ditas sa kusina.
"Oo, masama. Lalo na kung may asawa na ang nagugustuhan mo. Humanga ka na lang sa iba. 'Wag lang sa may asawa. Saka, malay mo may magustuhan ka sa mga kaibigan ng amo natin," tutok ang tenga ni Edna sa pakikinig kay Ditas. "Naku, kapag nakita mo ang mga kaibigan ni Sir Ely. Baka himatayin ka!" kinikilig na sabi ni Ditas. "Grabe ang gu-gwapo! Lalo na si Sir Vincent. Puta! Laglag ang panty ko! Si Sir Vincent ang crush ko sa mga kaibigan ni Sir Ely."
Naguluhan naman si Edna. "Ate, paano po nalaglag ang panty mo 'pag nakita mo si Sir Vincent? Baka maluwag na ang garter ng panty niyo. Akina po. Tatahiin ko. Papalitan ko ng garter," inosenteng usal ni Edna.
Nagsalubong ang kilay ni Ditas. Saka humalukipkip. "Gaga! Hindi iyon ang ang ibig sabihin ko. Bata ka pa kasi. Huwag mo na lang isipin iyon." Saka itinuloy ang paghahalo ng niluluto na nasa kawali.
Napaisip naman si Edna. "Mas guwapo kaya kay Sir Ely ang mga kaibigan niya? Kay Sir Ely busog na ang mga mata ko. Paano pa kaya kung makita ko sila?" bulalas na tanong ni Edna.
Natawa si Ditas sa tinuran ni Edna.
"Hoy! Tigilan mo na 'yang pag-iisip mo. Hayaan mo, dinig ko pupunta sila rito sa bahay sa makalawa. Kaya ihanda mo nang itali ang garter ng panty mo. Siguraduhin mong mahigpit ang kapit." Natatawang ani ni Kulitz Ditas.
Napabuga na lamang ng hangin si Edna. At itinuloy ang ginagawa.
"Ate, pagkatapos nito hintayin ko na po ang mga bata sa labas," paalam ni Edna.
"Huwag mo ng intindihin ang trabaho ko, Edna. Gawin mo ang trabaho mo. Sige na. Pumunta ka na doon sa gate, hintayin mo ang mga bata. Ihahanda ko ang meryenda 'nong dalawang bata," taboy ni Ditas sa kanya.
Binitawan ni Edna ang kutsilyo at mabilis na pumunta sa labas. Hindi pa siya humihiling ng day off sa amo niya. Gusto niya muna kasing makaipon para maituloy ang nais niyang pag-aaral sa kolehiyo. Regular na nagpapadala siya buwan buwan sa tiyang niya. Kaya 'di siya ginugulo nito. Sana nga ay hayaan siya ng Tiyang Roma niyang mamuhay na mag-isa. Gusto na rin niyang makawala sa poder nito. Pero minsan naiisip niya na mag-isa na lamang ito sa buhay. 'Di nakapag asawa at walang anak. Naawa siya para sa tiyang niya. Kahit na pinagmamalupitan siya ay mahal niya ang Tiyang Roma niya. At kadugo niya ito.
Nang nasa may gate si Edna naghihintay sa dalawang batang alaga niya. Napansin niya ang paghinto ng magarang BMW na kotse sa harapan niya. Ibinaba nito ang salamin ng kanyang sasakyan. At bumungad ang mukha ng lalaki na hindi naman mataas ang araw ay naka-shades pa.
"Hey! Anong ginagawa mo riyan? Budol-budol ka siguro, ano?" tiim bagang walang ano-ano'y sabi ng lalaki kay Edna.
Matalim na tiningnan ni Edna ang lalaking antipatiko. Pinagbintangan pa siyang magnanakaw. "Wala kang pakialam! Umalis ka nga! Shoo!" galit na taboy ni Edna sa lalaki.
Tinanggal nito ang shades sa mata at mabilis na lumabas ng sasakyan niya. Balibag na isinarado ang pinto ng kotse. Naglikha iyon ng malakas na tunog na ikitaas baba ng balikat ni Edna.
Napaawang ang labi ni Edna. Nanlalaki ang mga mata niya nang makita ang mata ng lalaking napagkamalang siyang magnanakaw. Napatitig siya rito habang naglalakad papalapit sa kanya.
"Foreigner ba siya? Kulay asul ang mga mata niya," mahinang usal ni Edna. Humahangang nakatitig siya sa mata ng lalaki.
Napasinghap si Edna ng hawakan siya sa balikat ng lalali. Mariing napapikit na kanyang mga mata ang dalaga. Sinamyo ang bango na naamoy niya sa pabango ng 'di kilalang lalaki. Ang pagkakahawak nito sa balikat niyang nagdulot ng kilabot. At'di maipaliwanag na kuryente sa kanyang kabuuan.
Nagulat siya nang igiya siya ng lalaki sa gilid ng daan. Napamulat siya ng kanyang mga mata. Natitigan niya ng malapitan ang kulay asul na mga mata ng lalaki.
"AFAM?!" malakas na bulalas ni Edna. Walang kakurap kurap ang titig sa mga mata ng kaharap. Sa sobrang tangkad ay nakayukong nakatunghay sa kanya. "Tangkad parang kapre," usal niuyang dagdag.
Tumawa nang malakas ang lalali. "Tinawag mo na akong AFAM. Tapos tinawag mo pa akong kapre. Hey, Aleng maliit. Tumabi ka nga sa dadaanan ko."
Napasinghap si Edna. Tinawag siyang aleng maliit. "Aba, hindi naman tama 'yon. Ano ako bata?" untag niyang usal sa isip.
"Sino ka ba?!" nakapamaywang na singhal ni Edna.
"Hindi mo ako kilala, Aleng maliit? Tumabi ka r'yan. At papasok ako sa loob."
Lalong nagngitngit sa galit si Edna. "Hindi ako maliit! Ako nga ang pinakamatangkad sa klase namin!" buong pagmamalaki niya.
"Puro pala bansot ang mga kaklase mo," bumunghalit ng tawa ang lalaki.
Huminga ng malalim si Edna. Lumalabas na ang usok sa ilong niya sa sobrang galit. Napaka-arogante, at mayabang na masyadong mataas ang tingin sa sarili.
"Hoy! Kapreng may asul na mata! 'Wag na 'wag mo kaming matawag na bansot, ah! Makikita mo!"
Mas lalong lumakas ang tawa ng lalako. Ang sarap asarin ng maliit na babaeng ito. Umuusok ang ilong na nanghahaba ang nguso sa dahil sa galit.
May sasabihin pa sana si Edna ng may tumigil na school bus. Lumabas doon ang dalawang batang alaga niya.
"Yaya Edna!" sabay na tawag sa kanya nina Calli at Elias. Sinalubong ito ni Edna ng niyakap. Pagkatapos ay kinuha ang mga bag ng dalawang alaga.
"Tito Peter!" masayang tawag ni Calli ng makita ang lalaking mayabang.
Nakasimangot naman si Edna.
"Hi, baby," pumantay si Peter sa bata at hinalikan sa pisngi. Sumunod ding humalik si Elias sa kanya. "Yaya niyo ba si Aleng Maliit?" tanong niya sa dalawang bata.
"Sino po si Aleng Maliit?" nagtatakang tanong ni Elias. Natatawang ttinuro ni Peter si Edna.
Naningkit ang mga mata ni Edna sa ginawa ni Peter.
"Si Yaya Edna po?" sabi ni Calli.
Tumango ng ulo si Peter. Halos gustong batukan ni Edna ang tinatawag ng mga bata na Tito Peter.
"Tito Peter, siya po si Yaya Edna. Ang aming cute na cute na bagong yaya," nalaglag ang panga ni Edna sa pagpapakilala sa kanya ng alagang si Elias.
Cute raw siya.
Ang sakit na ng tiyan ni Peter sa katatawa. Saka binalingan ang nagpipigil sa galit na si Edna.
"Let's go inside, mga babies," aya na ni Peter kina Elias at Calli. Inilahad ang dalawang kamay sa dalawang bata.
Naiwan si Edna na inis na inis. Halos gustong magtatadyak ng paa.
Pagkapasok sa loob ay ibinigay ni Peter ang susi ng sasakyan sa guard. Ito ang magpapasok ng kanyang sasakyan sa loob. Saka diretso silang pumasok sa loob ng bahay. Nagmamaktol naman na nakasunod si Edna sa tatlo.
Dinala ni Edna ang gamit ng dalawang bata sa room nila Calli at Elias. Nasa sala ang mga alaga kasama si Peter. Pagkababa niya sa sala ay napadako ang tingin si Peter sa kanya. Naglalaro naman sina Calli at Elias ng scrabble.
Napasinghap si Edna ng kumindat si Peter sa kanya. Naestatwa sa kinatatayuan. Si Peter naman ay patay malisya na muling sumali sa laro ng dalawang bata.
"Edna," hindi napansin ni Edna ang paglapit ni Ditas sa kanya. Malakas siyang tinapik balikat. Doon nagbalik sa diwa niya ang dalaga.
"Anong nangyayari sayo?" bulong na tanong ni Ditas sa kanya. Umiling ng ulo si Edna. Ang mata ay na kay Peter. Sinundan ni Ditas ang tinitingnan ng dalaga. Napangiti siya. "Si Sir Peter? Kaibigan ni Sir Ely. Di ba ang guwapo?"
Wala sa loob na tumango tango ng ulo si Edna. Lumawak ang ngiti sa labi ni Ditas. Huli na ng mareliazed ni Edna na sumang ayon siya sa sinabi ng kasamahan niya.
"Kunin mo na ang meryenda 'nong dalawang bata. Saka igawa mo ng meryenda si Sir Peter. Bihisan mo muna sina Calli at Elias. Wala pa si Sir Ely. Pero pauwi na 'yon," utos ni Ditas kay Edna. Tango lang ang sagot ni Edna. Napailing naman ng ulo si Ditas at iniwan sa sala si Edna.
"E-Elias at C-Calli. Bihis muna kayo ng damit sa taas," nauutal na tawag niya sa dalawang bata. Pero bakit siya nauutal? Sabay na lumingon ang tatlo sa kanya. Nagtama ang mga tingin nila ni Peter. Nginisian siya nito. Kaya napaiwas siya ng tingin. At kinuha sina Elias at Calli kay Peter na hindi tinatapunan ng tingin ang binata.
Akay ni Edna ang dalawang bata paakyat ng hagdanan. Habang si Peter ay nakamasid kay Edna. Tumaas ang sulok ng labi niya.
Binibihisan ni Edna ang dalawang bata. Marunong nang magbihis sina Calli at Elias. Si Edna lang ang naghahanda ng susuotin nila.
"Yaya, ganoon lang po si Tito Peter. Mapagbiro, pero mabait po 'yon," biglang sabi ni Calli.
Hindi makapaniwala si Edna. "Mabait nga. Tapos tinawag niya akong aleng maliit."
Pagkatapos magbihis ng damit ang dalawa ay bumaba na sila. Naabutan nila si Peter na busy sa cellphone niya.
"May katext," usal ni Edna sa isip. Tumakbo ang dalawang bata papalapit kay Peter. Agad naman na inilagay ni Peter ang phone niya sa bulsa. Habang si Edna ay pumunta ng kusina para kunin ang meryenda.
Pagkabalik ni Edna sa sala ay kausap na ng amo niya ang kaibigan nito. Medyo malayo sa dalawang bata. Mukhang may pinag-uusapan na importante. Ayaw na marinig ng dalawang bata. Lumapit siya sa dalawang bata at inilahad ang tray na dala.
"Mga bata, kuha na kayo," alok ni Edna kina Calli at Elias. Tumalima ang dalawa at kumuha ng tig-isang sandwich. Pagkatapos ay lumapit sa amo at kaibigan ng amo na kinaiinisan niya.
"Ah, Sir Ely. Meryenda po para sa kaibigan niyo. Ilalapag ko na lang po dito," saad ni Edna. Tango ang naging sagot ni Ely. Sabay lapag ni Edna ng tray. Muli siyang humarap sa amo. "Sir, kayo po? Dalhan ko po ba kayo ng meryenda?" alok na tanong ni Edna. Nailang siya sa tingin ni Peter.
"Hindi na, Edna. Sige na ako na ang bahala sa dalawang bata," tangging sagot ni Ely. Napansin ni Edna ang pagngiti ni Peter sa kanya. Inirapan niya ito at umalis sa harapan ng dalawang lalaki.
Nangingiti naman na sinulyapan ni Ely ang kaibigan. "Pare, bata pa 'yon. Saka inosente pa. Huwag mong pakialaman," may laman na sabi niya.
"Anong pinagsasabi mo, Ely?"
"Iyong tingin mo kanina. Parang hindi naman kita kilala."
"Wala akong ginagawa sa aleng maliit na iyon."
"At may balak ka. Sinasabi ko sa 'yo, Peter, 'wag si Edna. Ibang babae na lang."
Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Ely ay dumiretso siya sa restaurant. Naghihintay si Shiela sa private room ng restaurant na tagpuan nila.
"Peter, can we go somewhere else more intimate? Iyong tayo lang dalawa, Please," malanding pakiusap ni Sheila. Mas inilapit pa ang dibdib sa binata at ibinundol-bundol iyon sa braso ni Peter.
Nakilala lang ni Peter si Shiela sa isang pagtitipon. Kung saan imbitado siya bilang guest speaker. Napansin niyang very interesting ang katawan ng babaeng nakilala. Isang kindat lang ay nadala na kaagad niya sa hotel. Ang bilis bumigay ng babae sa kanya.
Kunot ang noo na tiningnan ni Peter si Shiela.
"I'm sorry. After this may pupuntahan pa ako," tanggi niya. Alam na niya ang gusto nitong mangyari. At ayaw na niya maulit muli ang nangyari sa kanila. Napilitan lang siyang makipagkita kay Shiela. Dahil panay ang kulit ng babae sa kanya. He hates woman like Shiela. Masyadong maarte at clingy.
"Can you cancel that? And let's spend in a lock room, only me and you," maharot na saad ni Shiela at pinaglakbay ang daliri sa labi ni Peter.
Iritado na muling tinitngnan ni Peter ang babaeng parang linta kung pumulupot sa kanya.
"Can you sit properly?! Nakakairita ang mga kilos mo. 'Di katulad mo ang klase ng babaeng gusto ko! Kaya, please. Kung gusto mong magtagal pa akong kasamo mo, umayos ka!" hindi na nakapagtimpi pa si Peter at nasigawan si Shiela.
Biglang umayos ng upo si Shiela sa takot at napatikhim. Lumabas ang pagiging beast na ugali ni Peter.
"I'm sorry. I better go. Thank you for your time," tila takot na takot na paalam bigla ni Shiela.
"Alright. Thank you also. I hope 'di mo na ako kukulitin pa. Ang nangyari sa atin, is just a lust. And nothing serious. 'Wag kang umasa na magugustuhan kita," mariring sabi ni Peter. Tila nasaktan si Shiela sa sinabi ni Peter. Mamasa-masa ang mata na umalis sa harapan ng binata.
Tumaas ang sulok ng labi ni Peter. "B*tch!" usal niya sa isip.
Tatlong taon ang nakakaraan noong huling magkaroon ng seryosong relasyon si Peter. And it's Lodina. Mahal na mahal niya ang dating kasintahan. Pero ang hindi niya alam ay may ibang lalaki pala ito. At habang nasa ibang bansa ito para sa isang bakasyon ay kasama pala nitong nagbakasyon ang lalaki niya. Galit na galit si Peter noong nalaman niya iyon. Hindi na niya hinintay na makapagpaliwanag pa si Vina sa kanya. He cut ties with Vina. And ended their five years relationship.
Ngayon, wala siyang babaeng sineseryoso. Ayaw niya muling masaktan. Ayaw niyang ibuhos ulit ang pagmamahal pagkatapos ay lolokohin lang pala siya. Sa kinatagal ng relasyon nila. Sanay siyang mag-isa sa buhay. Hindi siya naghahangad sa ngayon ng makakasama. Mas gusto niya na ngayong mag isa lamang siya. Besides, kaya naman niyang makuha ang pangangailangan niya sa babae. Isang kindat lang maiiuwi na niya sa isang hotel at pagsasaluhan ang init ng katawan.