"Edna! Dalian mo diyan at naghihintay na si Nelia sa 'yo!" malalakas na sigaw ng Tiya Roma niya. Sa sobrang lakas ay umabot ang boses nito sa kabilang barangay. Madalas naman siyang sigawan ng tiyang niya. Pero 'di pa rin siya nasasanay.
Ngayon ang araw na ihahatid si Edna sa bago niyang papasukan. Simula nang mamatay ang mga magulang ni Edna ay ibinilin siya sa Tiya Roma niya. Pinsan ng Nanay ni Edna. Matandang dalaga ito at ang hanap buhay lamang ay pagtatahi ng basahan. Inilalako niya at iyon ang pangtustos nila sa pang-araw-araw na pagkain. Pati ang baon niya sa eskwela na sampung piso at doon na din niya kinukuha.
Simula nang tumira siya kasama ang Tiyahin ay namulat si Edna sa hirap nang buhay. Nakatira sila sa isang squatters area sa Pasig. Dikit-dikit ang mga bahay at may mabahong kapaligiran. Iyan ang kinalakihan niya.
Maganda ang buhay nila nuong kasama pa ang kanyang magulang. Pero dahil sa hindi malaman na dahilan. Bigla na lamang walang naging balita si Edna sa magulang niya. Ipinalabas na lamang nila na namatay ang parents niya sa isang aksidente sa daan.
Nagkukumahog si Edna palapit sa Tiyang Roma at kay Nelia, na kaibigan ng tiyang niya. "Nelia, sabihin mo sa 'kin kapag gumawa ng kalokohan itong batang ito sa bagong amo niya," dinuro duro pa siya sa ulo. "Aba, e. Dapat napapakinabangan ko na iyang batang 'yan. Sa laki ng hirap ko magpakain at magpalaki d'yan. Puro pasarap na lamang ang ginagawa dito sa bahay. Habang bata pa ay matuto na siyang magtrabaho. Nang may makain naman kami. At 'di ako ang puro gumagawa ng paraan."
Napahigpit ang hawak ni Edna sa kanyang bag habang nakayuko at naririnig ang mga panghahamak sa kanya ng tiyahin. Noon pa man ang ganito ang trato sa kanya ng nag iisang kapatid ng mama niya.
"Roma, hindi ba masyadong bata pa si Edna para magtrabaho?" inaalala ni Nelia ang magiging kalagayan ni Edna sa pagtatrabaho sa bahay bilang isang kasambahay. Sa edad nitong disi siyete ay dapat nasa eskwelahan nag aaral.
Kumunot ang noo ni Roma. "Hindi na bata 'yan. Tingnan mo, nga mas mataas pa sa 'tin. Saka ganyang edad dapat natututo ng maghanap buhay. Hindi 'yong pag aaral ang inaatupag. Tapos babagsak lang sa pagiging isang serbedora ng mga mayayaman. 'Di na ako magtataka kung katulong lang din ang magiging trabaho ni Edna. Mana lang sa ina niya 'yan."
Halos manliit si Edna. Sa mga sinasabi ng tiyang niya. Walang magawa kun'di ang tumahimik at 'wag makisabat sa usapan nila ni Aling Nelia. Baka tamaan pa siya ng tsinelas sa puwet.
Sinasaktan siya ng Tiyang Roma niya, minsan ay bugbog ang inaabot niya dito. High school lamang ang natapos niya. Pinahinto na siya sa pag-aaral dahil sa sinabi ng Tiyang Roma niya sa kanya na kailangan na niyang maghanap-buhay. Sinabi rin nitong kung magtatapos pa siya ng kolehiyo. Baka hindi rin niya magamit ang pinag-aralan pagdating ng araw. Masasayang lang ang ginagastos sa pag-aaral niya kung mauuwi din sa pangangatulong ang trabaho niya.
Walang nagawa ang musmos at bata lang si Edna. Palagi na lamang siyang sumusunod sa lahat ng sinasabi ng tiyang niya. Kahit na di iyon makakabuti sa kanya.
Lulan sila ngayon ng jeep ni Aling Nelia papunta sa bahay na papasukan ni Edna. Forbes Makati Gate-2, ang basa niya sa address na ipinakita ni Aling Nelia sa kanya. Inilinga ni Edna ang mga mata sa mataas na building sa Makati. Napahanga siya na namamangha. 'Di katulad sa tinitirhan nila. Puro basura ang makikita mo sa paligid. Mabaho pa at maraming tambay. Ang linis linis ng lugar at maraming naglalakad na mga nakaformal attire. Sa tindig nila ay magaganda ang propesyon nila sa trabaho.
Balang araw, magtatapos siya ng kolehiyo. At magtatrabaho sa isang maganda at malaking kompanya sa Makati.
Pagkababa ng jeep at sumakay pa sila ng tricycle. Nang makapasok sa loob ng magarang subdivision ay napanganga si Edna. Ang lalaki ng mga bahay at ang mga gate ay nagtataasan. Bawat gate ay may guwardiya. Nagmamayabang ang karangyaan sa buong subdivision.
"Edna, basta tandaan mo 'yong mga ibinilin ko sa 'yo. Huwag kang gagawa nang anumang na ikasisira ng pagkatao mo. Tayong mga mahihirap dangal na lang ang ating maipagmamalaki sa iba. 'Di bali ng mahirap tayo, basta malinis at walang bahid dungis ang pagkatao natin," bulalas na sabi ni Aling Nelia kay Edna.
Tumango ng ulo si Edna. At isina-puso ang bilin ng matanda.
Ang sabi ni Aling Nelia ay bata daw ang aalagaan niya. Dalawang bata, babae at lalaki. Malalaki na at hindi na masyadong alagain. Nag aaral na nga sila, hatid sundo lang niya at aasikasuhin. Ayos lang naman sa kanya. Dalangin niya lang na mababait ang amo niya. At nang makaipon siya para muling ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Mas gusto niya pa ring makatapos at magkaroon ng diploma. May ipagmamalaki siya na may natapos siya kahit isang kasambahay lamang.
"Salamat po, Aling Nelia. Mas okay na po na nagtatrabaho ako kesa kasama ko si tiyang sa bahay," malungkot na saad ni Edna.
Marahang hinaplos ni Aling Nelia ang buhok ni Edna. Naawa rin siya sa pinaggagawa ng kaibigan niya sa bata. Mabait naman si Edna, 'di gaya ng mga bata sa squatter.
"Sa bagong bahay na titirhan mo. Sigurado akong makakain ka ng maayos. Huwag mo na lng intindihin ang mga, sinasabi ng Tiyang Roma mo. Dapat nasanay ka na. Dahil ganoon naman talaga ang ugali niyon."
"Opo, Aling Nelia."
Ngumiti si Aling Nelia sa kanya. Saka tumango.
Nakahakukipkip si Edna. Habang kausap ni Aling Nelia ang magiging amo niya. Isang lalaki na sa tantiya niya ay lagpas sa sampung taon ang tanda sa kan'ya. Guwapo, matangkad at maputi na mas makinis pa ang balat sa kan'ya. Siyempre lumaki siya sa hirap. Hindi kagaya nila naka-aircon ang buong bahay.
"Edna, halika. Lumapit ka rito. Ipapakilala kita sa magiging amo mo," utos ni Aling Nelia sa parang basang sisiw na si Edna. Tumalima si Edna. Nahihiya pa rin siya sa magiging amo.
"Sir Andrew, siya po si Edna. Ednaline Bartolome, ang buo po niyang pangalan. Kayo na po ang bahala sa bata. Mabait at masipag din po siya," pagmamalaking bilin ni Aling Nelia sa magiging amo ni Edna.
Napayuko ng ulo si Edna. Nahiyang tumingin sa mukha ng magiging amo niya.
"Sige po, Aling Nelia. Salamat po at nadala niyo po kaagad ang tagapag-alaga ng mga anak ko," malumanay na saad ni Mr. Andrew. Sumulyap ang lalaki kay Edna. "Ako si Eliseo Andrew. At mga anak ko ang babantayan mo, Edna."
Napaangat ang tingin ni Edna kay Mr. Andrew.
"Edna, ako ay aalis na. Maiiwan na kita dito, ha. Dalawin mo na lang ang tiyang mo kapag binigyan ka na ng day off ng amo mo. Mag-iingat ka palagi. At gawin mo ang trabaho mo ng maayos para matuwa sa 'yo ang bagong pamilyang kasama mo," sabat ni Aling Nelia.
"Salamat po, Aling Nelia. Tatandaan ko po ang mga bilin niyo," magalang na tugon ni Edna.
"Sir, aalis na po ako," paalam ni Aling Nelia sa amo ni Edna.
"Mag-iingat po kayo," nakangiting ika ni Mr. Andrew.
Tumalikod at iniwan na sila Edna at Mr. Andrew sa sala. Nilibot nang mata ni Edna ang buong sala ng magarang bahay ng amo. Ang sala, mas malaki pa sa barong-barong nila. Tapos ang tiles, puwede ka ng manalamin sa sobrang puti. Sobrang ang linis-linis nang buong ibabang bahagi ng bahay. Ang mga furniture ay kung susumahin mo ay baka mas mataas pa ang preyo sa sasahurin niya sa isang buwan.
"Edna," tawag ni Mr. Andrew sa kanya. Nabigla si Edna na natatarantang humarap sa amo. Malapag na ngumiti si Mr. Andrew. Pinakita ang killer smile ng amo niya. Namula ang buong mukha ni Edna. At iiling iling ng maraming beses. 'Di maganda ang nasa isip niya. Isa pa ay may anak at asawa ang amo niyang lalaki.
"I will introduced you to my children. Ikaw ang mag-aalaga sa kanila. Hindi mo sila kailangang ihatid sa school. Everyday may school bus na maghahatid-sundo sa kanila. I teach them to be independent. Kaya wala kang aalalahanin sa kanila. Ang gusto ko lang, alalayan mo sila. And to take care of them. Kapag umaalis ako ng bahay. My wife is not here," mahabang litanya ni Mr. Andrew.
Napatitig si Edna sa magagandang mga mata ng amo niya. Habang ito ay nagsasalita at natulala siya. Bibihira siyang makakita ng ganito ka-guwapong lalaki. Aakalain mong artista na lumalabas sa telebisyon.
"May makakasama ka, si Ditas. Kaya'di ka mahihirapan sa mga gawain dito sa bahay. You can ask me for your day off. Pero this week wala munang day off. I will give your salary every 15th of the month. So, two times ang sahod sa isang buwan, free ang lahat. I will provide your toiletries and hygine kit. Kung may gusto kang ipabili. Isulat mo na lang at ibigay mo kay Ditas," detalye ni. Mr. Andrew sa kanya ng kanyang magiging trabaho.
"Maliwanag ba, Edna? Kung may tanong ka. You're free to ask me," dugtong na tanong pa nito sa kanya.
"Ah, wala na po, Sir Andrew," nangingiting tugon ni Edna.
"Drop my last name. Sir Ely or Kuya Ely na lang."
"Okay po." Nahihiyang tugon ni Edna.
"Ditas," tawag ni Ely sa isa pa niyang kasambahay.
Lumabas naman mula sa kusina si Ditas. "Sir," tawag din nito sa amo.
"Siya si Edna, ang makakasama mo dito sa bahay," pakikilala ni Ely kay Edna. "Si Ditas, siya ang all around na kasama mo dito. Si manang naman pinapunta ko muna sa bahay ng parents ko. So, kayong dalawa ang magtutulungan dito sa bahay. Maasahan ko ba kayong dalawa?"
"Yes, sir," sabay na sagot nina Ditas at Edna.
"Maiwan ko na kayo. Pupuntahan ko lang ang dalawang bata sa taas. Ditas, ikaw na ang bahala kay Edna. Ipakita mo na rin ang kuwarto ninyong dalawa," pagkasabi niyon ay tumalikod na si Ely at umakyat ng hagdan para pumunta sa kuwarto sa taas.
Nilapitan ni Ditas si Edna at kinuha ang bag nito. "Halika, sumunod ka sa akin," aya niya dito.
Pumunta sila ng likod bahay. Kung saan andoon ang kanilang kuwarto. May isang katamtaman na bahay at na may dalawang pinto doon. Isang pinto para sa mga kasamnahay at isang pinto para sa mga guwardiya.
"Iyan ang magiging kuwarto mo sa dulo." Turo ni Ditas sa isang pinto. "At itong sa unahan ay kuwarto ko. Palagi kang magla-lock ng pinto. Kahit na mababait ang mga amo natin. Siyempre kailangan pa din nating mag-ingat."
"Salamat."
"Alex, I need that report in my table. And this afternoon cancell all my appointments. May importante lang akong gagawin," utos ni Peter sa kanyang sekretarya.
"Noted, sir," maikling sagot nito sa kanya.
Magkikita-kita silang magkakaibigan ngayong gabi. Pag-uusapan nila ang problema na kinakaharap ni Ely. Tungkol sa asawa nitong si Cory. Nainlove na ng tuluyan ang kaibigan niya.
"D*mmit! Hindi ako magagaya kina Parker, Nickson at Ely. I prefer to be single than having a partner. Problema lang ang ibinibigay," usal ni Peter sa isip. May nakakalokong ngisi itong namutawi sa labi niya.
Peter Jon Clarkson, thirty five years old. Bachelor and a CEO of Clarkson Corporation Incorporated. Sa kabila nang lahat ng mayroon siyang yaman ay ang pusong punong-puno ng kalungkutan.
He lived alone. Walang magulang at walang mga kapatid. May mga kamag-anak both side ng parents niya. Ngunit, 'di siya malapit sa mga ito. Dahil sa pera lamang niya ang habol ng mga ito sa kanya. Ang kompanya na naiwan ng parents niya, pilit nilang kinukuha sa kan'ya. Hindi naman siya makakapayag na kunin ng mga ito ang pinaghirapan ng kanyang mga magulang. May sari sarili rin silang mga pera. Dahil may mga negosyo at ari arian na kanila. Ang 'di lang niya maintindihan ay ang mga ugali nilang mahilig magkamkam ng pag aari ng iba.
"Sa tingin mo makukuha mo si Cory sa mga plano mo, Ely?" usisa ni Peter.
"One hundred percent. Kailangan kong maging malapit ulit sa kanya para bumaling sa akin ang atensyon niya. At mawala sa eksena ang Francis na iyon," may diing sagot ni Ely.
"Woah! Paano mo naman mapapaalis si Francis Licauco? Engage na nga sila," tanong din ni Omar.
"Desperado ka na, pare. Makuha ang asawa mo. Hindi pa naman kayo hiwalay. Kasal kayo at may karapatan ka pa rin sa kanya. Legal mo pa ring asawa si Cory," ani Vince.
"Yeah, I know. Kaya nga gagamitin ko iyon para makuha ulit ang asawa ko. Makikita niyo babalik din ang asawa ko sa akin," malaki ang kumpiyensa niya sa sarili na mababawi ni Ely ang asawa.
"Kaya siguro ako single. Hindi pa ako handang danasin ang mga paghihirap mo, Ely. Hindi pa din ipinapanganak ang magpapatali sa akin. Sa salitang kasal," bitaw na mga salita ni Peter.