GABI na ng makauwi si Edna. Diretso na siyang pumunta sa kuwarto nila ni Peter. Hindi na siya nakatawag kay Peter na masyadong gagabihin siya ng uwi mula sa bahay nina Mariz. Lalo't hindi niya kayang iwanan ang kaibigan na mag isa kanina. Nagdurusa ang puso ng kaibigan niya. Ang akala nilang maayos na sila ni Noel at hindi pa pala. Nagbabalak na makipaghiwalay si Mariz sa nobyo. Pero iniisip pa rin ang kapakanan ng kanyang sanggol. Ang hirap mamili 'pag may anak ka na. Parang bumaliktad sila ni Peter. Dati ang binata ang ayaw pa silang magkaroon ng anak. At siya gustong gusto niya. Pero iba na ngayon, hangga't wala pang kasiguraduhan ang relasyon nila ni Petee dapat lang na 'wag na muna siyang mabuntis. Mahirap nang makalaya 'pag may anak na. Pagkapasok niya sa loob ng kuwarto nila ni P

