Chapter 55

1542 Words

NAGISING si Edna na wala na siyang katabi. Pansin niya na matayog na ang sikat ng araw sa labas dahil sa mga sinag na pumapasok sa loob ng kuwarto nila. Mula sa bukas na binatana. Bumangon siya na naitakip lamang ang kumot sa hubad na katawan. At pumunta ng banyo para maligo. Dalawang araw na silang hindi pumapasok ni Peter sa CLA. Magtataka na ang ibang empleyado na hindi siya pumapasok pero may sinasahod pa rin. "Good morning po," masayang bati ni Gina kina Tiyang Roma at Manang Gina. Pinagtakhan nina Roma at Gina ang magandang awra ni Edna. "Magandang umaga, pamangkin. Maganda ata ang gising mo. Papasok ka na ba?" tanong ni Roma. Bihis na bihis na si Edna at handanng umalis ng bahay. "Opo, tiyang. Hindi ko na po nakita si Peter paggising ko. Pumasok na po ba siya sa opisina niya?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD