"f**k! I hate myself! Again and again, I do it with Lodina. Wala ka ng ginawang tama, Peter," nakasubsob ang ulo niya sa manibela habang naggalit sa sarili. Tumunghay siya at pinunasan ang mga luha. Binuhay ang makina ng kotse niya at umalis. Nakita na lamang ni Peter ang sarili na nasa harapan ng bahay ni Ely. May mukha pa talafa siyang maihaharap sa kaibigan niya pagkatapos ng lahat ng ginawa niya. Pero gusto lang niya na may makakausap. Ang bigat na sa dibdib niya ang ginagawang pagsisinungaling kay Edna. Ang panloloko niya ang nagpapabigat sa kanya. "Sir Peter. Pasok po kayo," nagulat si manong guard nang makita siya. Ibinigay ni Peter ang susi ng kotse niya r'to. Kinuha naman iyin ng guwardiya. "Pakipark na lang po sa loob." Tumango ang guwardiya sa kanya. Iniwan niya si manong na

