"THERE'S no other way, Peter. You need to accept whatever Edna decides. Niloko mo siya kaya harapin mo ang kaparusahan mo," giit ni Ely. Nanlulumo siya. Mawawasak siya 'pag iniwan ni Edna. Hindi niya gumagana ang utak niya ngayon. 'Di niya alam saan siya kukuha ng lakas para amin ang kasalanang nagawa. "Please, help me, Ely. I don't know what I wanna do," nakikiusap si Peter na humingi ng tulong sa kaibigan. Umiling iling si Ely. "Gagawa ka ng kasalanan pero kapag nagkagipitan na 'di mo na alam ang gagawin mo. Ano ba talagang gusto mong mangyari ngayon?" "Ang hindi mawala si Edna sa akin." Mariing napatiim si Ely. "Kung ayaw mong mawala si Edna sa buhay mo, magkapatino ka. Layuan mo si Lodina. Pero sa oras na malaman niya sa iba ang ginawa mo. 'Di na kita maililigtas." Tinalikuran ni

