HUMAHANGOS si Edna na biglang umuwi ng bahay mula sa trabaho. Ibinalita ni Alex sa kanya na nakauwi na raw si Peter. Nakakatampo na nag aalala siya tapos ni hindi siya nagawang tawagan ni Peter. "Manang Gina, si Peter po?" bungad na tanong niya. Nasa sala ang mata at kasalukuyang naglilinis. "Nasa kuwarto niyo." Siyang dating naman ni Roma at nakita ang pamangkin. "Edna, napasugod ka. Tapos na ba ang trabaho mo?" "Hindi pa po. Pero nag-undertime po ako. Gusto kong kumustahin si Peter. Anong nangyari po sa kanya?" Natahimik si Gina. "Ang mabuti pa ay puntahan mo sa kuwarto niyo. Mukhang may dinaramdam ang nobyo mo. Maysakit ata," si Roma ang sumagot. Pansin niya ang pananamlay ni Peter. Wala ng sinayang na oras si Edna at agad na pinuntahan si Peter sa kuwarto nila. Sa pagkapasok n

