"ANONG ibig sabihin nito? Anong ginagawa mo sa loob ng opisina ko?" tanong ni Peter. Nang pumasok siya sa loob ng opisina niya ay nadatnan niya ang Auntie Delia niya na nakaupo sa kanyang swivel chair. "Masyado kang naghihinagpis sa nangyari sa inyo ng girlfriend niyo. Kaya andito ako para tumulong. Ako na muna ang uupong CEO ng CLA. Tutal, may karapatan naman ako sa kompanya ni Papa," sagot ni Delia sa kanyang pamangkin. Napasuklay si Peter sa kanyang buhok. "Where is Alex? Dapat siya ang gumagawa ng trabaho ko!" "Pinaalis ko na. Hinahayaan mo lang ang kompanya na patakbuhin ng ibang tao. Kaya tayo nawawalan ng malaking pera. Masyado mong pinagkatiwalaan ang assistant mo," ang katwirang sagot ni Delia. Nanlaki ang mata ni Peter. "What! Why did you do that? Malaki ang tiwala ko kay Ale

