NAPAMULAT ng kanyang mga mata si Edna. Sinipat pa niya kung nasaan siyang silid. Ang huling naalala ay ang anak niya sa loob ng delivery room. At ang mukha ng isilang niyang sanggol ang rumehistro sa kanyang isipan. Babangon sana siya nang makaramdam ng sakit sa katawan, partikular na ang sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. "Edna, kumusta ang pakiramdam mo?" Napatigil siya ng marinig ang boses ni Tiyang Roma. Nakaupo ito sa sopa. Tumayo ito at naglakad palapit sa kanya. Saka umupo sa upuan na nasa gilid ng kama niya. "Maayos naman po. Masakit lang po talaga ang katawan ko." "Natural lamang 'yan. Ipinagmamalaki kita. Nagawa mong iluwal ang anak mo na walang tulong ang ama niya. Sana lang talaga hindi na bumalik si Peter sa 'yo," galit pa rin si Roma sa ginawa ng binata sa pamangkin ni

