LUMIPAS ang tatlong buwan. Halata na ang tiyan ni Edna. Nagpapasalamat siya sa suportang ibinibigay ng kanyang Tiya Roma at Tiyo Caloy. Nagkaroon siya ng magulang sa katauhan ng mag asawa. Hindi makapaniwala si Edna na ang makakatuluyan ng kanyang tiyang ay ang taxi driver na tumulong sa kanila na makahanap ng bahay. Nagpakasal ang Tiyang Roma niya kay Mang Caloy sa huwes. At siya ang pinakamasayang tao na may makakasama na ang tiyang niya hanggang sa pagtanda niya. Mapalad ito na mabait ang naging asawa nito. Ipinagpapasalamat nila sa Diyos na maayos ang pamumuhay nilang magtiya. Mas dumarami na sila ngayon. Tumutulong siya sa tiyang niya sa pagtitinda sa maliit na sari sari store sa bahay nila. "Edna, halika na. Mahamog na d'yan sa labas. Magkasakit pa kayo ng apo ko," tawag ni Roma

