NAILIBING na si Caloy. At nasa sementeryo ang magtiyahin habang panay pa rin ang iyak ni Roma. Halos ayaw na nitong umalis sa harapan ng puntod ng asawa. Naging masaya at maayos ang buhay nila ni Edna nang dahil kay Caloy. Kaya ganoon na lamang ang panghihina sa pagkawala ng asawa. "Caloy, hindi ko alam na iiwan mo ako agad. Sana palagi kong ipinapakita at ipinararamdam sayo kung gaano ako nagpapasalamat na dumating ka sa buhay namin ni Edna. Mahal na mahal kita, asawa ko." Umiiyak na rin si Edna na mas niyakap ng mahigpit si Perly. Ang laki ng kawalan sa buhay nila na nawala si Tsong Caloy sa buhay nila. Sana'y makabangon sila agad sa pagkawala nito. "Tiyang, tayo na po. Humahapon na at baka gabihin na tayo pauwi. Kung nasaan man po si Tsong, alam kong hindi niya pa rin tayo pababayaan

