"DADDY!" malakas na sigaw ni Perly habang tumatakbo palabas ng classroom. Malayo palang ay nakangiti na kaagad si Peter na sinalubong ang anak. Lumuhod pa siya para mayakap ito. Halos araw-araw naman silang nagkikita pero palagi niyang pinapanabikan ang pagkikita nila ni Perly. Kahit sandaling oras at panakaw. Makasama lamang ang anak. "How is my baby girl? Ready ka na ba?" "Good po, daddy. Saan po?" "We will go somewhere. Naipaalam na kita kay teacher. Ibabalik na lang kita mamaya rito sa school." "Talaga po? Si Yaya po?" hinanap ni Perly si Hana. Walang ideya ang anak kung saan sila pupunta. Ayaw niya sana pero hindi niya mahindian ang mga ito. "Babalikan ka niya mamaya. Tapos ihahatid ko kayo pauwi." "Pero dadating po si Lola." Napaisip si Peter. "Okay lang, baby. Sandali lang n

