BINABAGTAS nila ang daan papunta sa itinurong lugar ni Alex. At alam nila ang lugar na iyon dahil minsan pang sinabi ni Peter ang lugar nang kinaroroonan ng pag aari niyang private property. Matiim na nakatingin si Ely sa kalsada. Kahit siya ay hindi malaman kung anong pumasok sa utak ni Peter para dukutin si Edna. He can ask Edna for dinner. A dinner date that they can talk about anything. Sasabihin niya ng maayos ang gusto niyang sabihin. Aaminin niyang mahal niya si Edna. Ganoon lang kasimple pero hirap na hirap gawin ni Peter. "Is this the house?" tanong ni Omar. Nasa tapat na sila ng bahay na tinutuluyan nila ni Edn. "Yes. Ito na nga 'yon," tugon ni Ely. Inihinto ni Ely ang van at isa isa silang lumabas. Matalino si Peter. Sa isang lugar malayo sa maraming bahay ang pinagtaguan n

