SABAY SABAY na kumakain ng hapunan silang walo sa hapag. Walang nag iimikan at pare parehong masama ang loob nila. Si Edna ay nakikiramdam lang sa magkakaibigan na pasulyap sulyap sa walong lalaki na kasama niya. "Can we talk, Peter?" basag na tanong ni Ely sa kaibigan. Napahinto ang lahat at ang mata ay na kay Ely. Napaangat ng tingin si Peter kay Ely. Simula noong dumating ang mga kaibigan niya kanina ay 'di n'ya muling nakausap ang mga ito. Iniiwasan n'ya rin ang mga ito na mapag usapan ang tungkol kay Edna. "Okay," maikling sagot ni Peter. Tsaka muling bumalik sa pagkain. Iniiwasan pa rin niya ang kaibigan pagkatapos nang naging pagtatalo nilang dalawa kanina. Nang matapos silang lahat na kumain ay iniligpit ni Edna ang lahat ng pinagkainan. Napansin niyang dinadampot isa isa ni Pe

