“EDNA, sigurado ka bang gusto mong tumira kasama si Peter sa isang bahay?” paniniguradong tanong ni Roma sa pamangkin. Sobra sa isang linggo ang mga ito nawala. ‘Di n’ya alam ang totoong kuwento sa pagitan ng pamangkin at kay Peter. Napasulyap si Edna sa kanyang katabi na si Peter. Wala pa silang pahinga na dalawa ngayong araw nang makauwi ng bahay ni Peter. Pagkatapos kumain ay umalis agad sila para pumunta naman sa bahay nina Edna. Nadatnan nila si Tiyang Roma at si Aling Nelia. “Alam mo, Edna, hindi biro ang papasukin mo. Kami lang ay nagpapaalala sa ‘yo ng tiyang mo. Dapat sigurado ka at kusang loob mong pinapasok ang buhay may asawa. Sa lagay ng mangyayari ay mukhang mag aasawa ka na,” ang sabi naman ni Aling nelia. “Huwag po kayong mag alala kay Edna, aalagaan ko po s’ya. ‘Di ko s

