Chapter 44

2204 Words

“ANONG GINAGAWA mo, Peter?!” halos pasigaw na tanong ni Edna. Nilingon ng binata ang kanyang likuran. Napatayo bigla ng tuwid. “A-ah, w-wala. Ikaw? Anong ginagawa mo sa kusina?” “Hinahanap kita andito ka lang pala sa kusina. Maligo ka na, inihanda ko na ang susuotin mo,” sagot ni Edna. Kanina pa niya hinahanap ang binata para makaligo na at ilang sandali na lamang ay aalis na sila pabalik sa Manila. ‘Di niya makakalimutan ang mga nangyari sa bahay na ito. Isang linggo sila ni Peter na sila lang ang magkasama. Parang naging kanila ang mundo at naging pugad ang bahay na ito sa kanilang dalawa. “O-Oo, magkakape sana ako. Thank you, munchin. Ligo lang ako.” Nilapitan ni Peter ang dalaga at hinalikan ito sa labi. Lumabas na siya ng kusina para pumunta sa kuwarto nila at maliligo. Nagtataka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD