Chapter 39

2055 Words

"NAIREPORT N'YO na po ba ito sa mga pulis?" tanong ni Cory. "Hindi pa po. Sobra sobra na po ang kaba sa dibdib ko dahil sa pamangkin ko," puno ng pag aalalang sagot ni Roma. Wala na siyang maisip na ibang paraan aa sobrang okupado ng isip saan hahanapin ang pamangkin. Alam niya ang isasagot sa kanya ng mga pulis. Baka sumama sa boyfriend. Sa madaling salita, iisipin nilang nagtanan ang pamangkin niya. Wala pa ngang ipinakikilalang boyfriend si Edna sa kanya. Paano ito magtatanan? Hindi rin palagimik ang dalaga na kung saan saan nakakarating. Ang palagi lang kasanq nitong huli ay ang kaibigang si Mariz. Nilapitan ni Cory si Roma at inalo. Nagbabadya na kasi itong umiyak sa harapan nila. Alam niya ang ganitong pakiramdam. Kagaya niya ay nawala rin siya sa pamilya niya. "Nanay, ano pong n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD