"ANONG PINAGSASABI mo? Ibig sabihin ba nito, 'di mo na ako mahal, Peter?" Mabilis na umiling iling ng ulo si Peter. "Mahal na mahal nga kita para palayain ka na lang, Edna. Ayoko ng pahirapan ka pa. Ayoko ng itali ka pa sa akin." "Paano kung sabihin ko na okay lang na igapos mo ako sa kama? Na puwede mo akong mahalin, basta't 'wag mo akong sasaktan. Peter, mahal na mahal din kita," buong pusong amin ni Edna. Natigagal si Peter habang nanlalaki ang mga mata na nakatitig lang kay Edna. At nang makahuma ay tumayo ito saka naglakad palapit sa dalaga. "P-Puwede mo bang u-ulitin ang h-huling s-sinabi mo?" "Ang alin ba?" maang maangan ni Edna. Gusto lang niyang asarin si Peter. "Please, munchin. Gusto ko lang muling marinig mismo sa bibig mo." Napabuntong-hininga si Edna. "Mahal kita. Maha

