ISANG LINGGO na si Edna sa private property ni Peter. Ikinulong siya ng binata. Ni hindi nmagawang makatakas ng dalaga dahil sa wala siyang alam na puwedeng labasan sa malagubat na lugar kung nasaan ang bahay ni Peter. Napatingin siya sa kanyang kamay na may posas pa rin at mga paang may tali. Biglang bumukas ang pintuan. Mariing napatiim si Edna nang mapagsino ang punasok. "Good morning, munchin. How's your sleep?" "Hayop ka, Peter! Hindi ko gusto ang ginawa mo sa akin na ito. Ano bang nangyayari sa 'yo?! Hindi na kita kilala dahil sa ginawa mo sa akin. Naging demonyo ka na!" mga bulyaw na sagot ni Edna sa binata. Ngumisi lamang si Peter. Hindi alintana ang mga bulyaw at sigaw ni Edna. "Whatever you say, honey. You are mine now. 'Di ka na makakatakas pa sa mga kamay ko." Hingal na hi

