DAHIL SA MATINDING GALIT ni Aaron ay parang gusto niyang pug*tan kaagad ang mga nahuli nilang lalaki. Nanggigigil niyang binigyan ng tag-isang suntok sa ilong ang mga lalaking nakatali sa mga kadena na nakalagay sa pader. Hindi rin basta basatang matatanggal ang mga kadena, dahil matatag ang pundasyon ng mga ito sa mismong pader. "Papat*yin ko kayong mga hayop kayo! Inilagay niyo sa panganib ang buhay ng pamilya ko, kaya pamilya niyo rin ang magiging kapalit ng ginawa niyo, mga animal, walang kwenta! Pweee!..." nag e-echo ang boses ni Aaron sa loob ng kulungan. Tahimik lang na nanood ang kanyang mga tauhan, dahil alam nilang ayaw na ayaw ni Aaron na inaawat siya kapag may pinaparusahan siya. Natatakot din silang baka sila ang mapagbalingan nito, kaya mas minabuti nilang manahimik na la

