KINABUKASAN AY MAAGANG nagising ang mag-asawa, para maghanda sa kanilang pamimili. Kumain muna sila ng agahan, upang hindi sila gutomin sa kanilang pamimili. Ipinahanda din ni Aaron, ang lahat ng kanilang mga gamit, upang handa sila sa ano mang panganib na naghihintay sa kanila sa daan. Sanay na rin siya sa ginitong buhay, ngunit iba na ngayon dahil kasama niya ang mag-ina niya. Ayaw niyang pati ang mag-ina ay madamay sa galit sa kanya ng kanyang mga kalaban. ANIM na kotse, isang Van at apat na Motor ang magkakasunod na makikita sa daan patungong Cabanatuan City. Ito kasi ang pinaka malapit na Lungsod, mula sa Hacienda. Tawa ng tawa naman si Aj, habang nakasakay sila ng kotse. Nakaupo si Aj, sa kanyang baby safety seat sa loob ng kotse, habang nanunood ng paborito niyang Coco Melon. M

