MAPUSOK ang bawat paghalik sa akin si Aaron. Bawat dampi ng kanyang labi ay parang may hatid na kuryente sa aking katawan. Kahit nababasa kami ng malamig na tubig galing sa falls ay hindi pa rin sapat iyon, upang maibsan ang init na nagliliyab mula sa aming katawan. May kasamang pang gigigil ang bawat paghalik niya sa akin, lalo na sa leeg ko. Bawat parte ng balat ko ay sinisipsip niya kapag mapadaan na nang kanyang mainit na labi ang aking balat. Alam kong magkakaroon ito ng marka kinabukasan, ngunit wala na akong pakialam. Ako naman ay mahigpit lang na nakahawak sa leeg ni Aaron, upang hindi ako tuluyang lumubog sa tubig. Hanggang baywang din kasi ang lalim nito, kaya sigurado akong lulubog kaming pareho. Muli na naman akong binuhat ni Aaron, paharap sa kanyang katawan. Kaya ang labas k

