MABILIS KAMING NATAPOS kumain, dahil sa pagsusubuan namin. Masarap palang kumain, habang sinusubuan ka ng taong mahal mo. Naubos din lahat ang mga baon namin, kasama na ang limang pirasong manga na kinuha namin. "Mahal, doon muna tayo sa Falls, masarap magbabad doon, habang pinapababa ang kinain natin." pagyaya sa akin ni Aaron. Agad naman akong tumayo, upang puntahan siya sa may pampang kung saan kami umakyat kanina. Tinanggal ko na rin ang T-Shirt na suot ko at inilagay sa batuhan, para matuyo. "Hindi ba malalim sa gawing yun? Baka hindi ko kayang lumangoy dyan, kapag malalim masyado." may pag-aalalang tanong ko. Tingin ko kasi ay napakalalim na ng bahing iyon, kung saan bumabagsak ang tubig galing sa taas. "Sa gilid tayo dadaan. Sa may malalaking bato na yan, para makapunta tayo

