EVE'S POV..... ****** NAGISING AKO na parang hinahalukay ang laman ng tiyan ko. Itinulak ko rin si Aaron, dahil nakayakap at nakadantay na naman siya sa akin, habang naghihilik. Nagulat siya dahil sa ginawa ko, kaya napabangon din siya at nagtatakang pinagmasdan ako na patakbong nagtungo sa banyo. "Mahal, huwag kang tumakbo, baka madapa ka!" nag-aalalang wika niya sa akin. Bumangon din siya at sinundan ako dito sa loob ng banyo. Agad akong sumuka sa toilet bowl, at inilabas lahat ang lahat ng nagpapasama sa sikmura ko. Hanggang sa wala nang lumalabas, ngunit patuloy pa rin akong sumusuka. Sumasakit na rin ang lalamunan ko, dahil puro mapait na ang lumalabas. "Mahal, napapa'no ka!?" nag-aalalang tanong sa akin ni Aaron. Hinawi din niya ang mahaba kong buhok at hinawakan niya ito, u

