MAGKAKASAMANG lumabas ng hospital sina Aaron at pamilya ni Bhella. Si Aljoe din ang nagtulak ng wheel chair ni Bhella, palabas ng hospital. Isinakay din ni Aljoe ang dalaga sa kanyang kotse. Todo ingat din siya na hindi masaktan si Bhella, mula sa pagsakay nito sa loob ng shotgun seat.Isinara ni Aljoe ang pinto at mabilis na umikot sa may driver's seat, upang doon umupo at mag maneho. "Sina nanay, nasaan sila?" nagtatakang tanong ni Bhella. Lumingon din siya sa kanilang pinanggalingan, upang makita ang kanyang mga magulang. Wala naman nakaupo sa kanilang likuran, pero hindi naman pinasakay ni Aljoe ang kanyang mga magulang sa sasakyan nito. "Nasa kabilang kotse sila, babe. Si Dencio na lang daw ang maghahatid sa kanila sa bahay nila at tayo naman ay uuwi na sa bahay natin." wika ni Alj

