NAPATINGIN AKO kay Aljoe, dahil hindi ko maunawaan ang sinasabi niyang masakit daw ang paglabas ng iniwan niya sa akin after nine months? Ano yun, bakit ang tagal naman? "Maligo muna tayo, babe, para mahugasan ang mga dugo na kumapit sa balat mo. Para malagyan ko rin ng gamot ang ano mo, para hindi mamaga." sabi sa akin ni Aljoe. Agad din niya akong binuhat at dinala sa loob ng banyo namin. "Ako na mauna. Mamaya kana maligo, pagkatapos ko." sabi ko kay Aljoe, dahil ayaw kong magkasabay kami sa loob ng banyo. Nahihiya kasi ako sa kanya na makita niya ang katawan ko, habang naliligo ako. "Sabay na tayo, babe, at ako na ang magpapaligo sayo. Alam kong masakit ang pearl mo, kaya hindi kita iiwan na mag-isa sa loob ng banyo. Paano kong madulas ka sa loob at mabagok ang ulo mo sa semento? Hi

