1 Year Later..... "Magandang umaga, ma'am Even. Welcome back!" masayang pagbati ni Teacher Thalyn De Mesa. Ang kasamahan ni Teacher Even Gaa, sa pinapasukang paaralan. Teacher si Even sa Day Care at Prep. Dalawa ang hawak niyang klase, dahil kulang na kulang talaga sila sa Teacher. Si Thalyn naman ay Grade 1 at 2 ang hawak nito. Umaga at hapon ang kanilang pagtuturo, para hindi mahalo ang ibang bata sa ibang Grade. Apat lang sila na Teacher sa isang Baryo sa Isabela. Maliit lang ang kanilang pamayanan at malayo sila sa kabihasnan. Ang kanilang paaralan ay maliit lang din. Gawa lang ito sa kawayan at sawali. Ang kanilang mga mag-aaral, karamihan ay mga anak ng mga katutubo sa lugar. Dumadayo pa ang mga ito sa baryo, makapag-aral lang. Maaga silang bababa mula sa bundok, kasama ang kan

