AARON'S POV... MASAKIT MAN SA AKIN na malayo si Eve, sa piling ko, ngunit ito lang ang tanging paraan para mailayo ko siya sa gulo na kinakaharap ko ngayon. Ayaw ko rin siyang madamay sa laban namin ni Shushu. Kailangan ko rin harapin si shushu, para matapos na ang lahat ng kaguluhan na ito sa aking buhay. Para kung magkita man kaming muli ni Eve, ay maging tahimik na rin ang buhay namin dalawa. Si Eve, na lang ang iisipin ko sa panahon na yun at kung paano ako makakahingi ng tawad sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan sa kanya. Napakarami ko din ginawang kasinungalingan na tiyak na manggagalaiti siya sa galit sa akin, kapag nalaman na niya ang lahat. Bago ako umalis ng Pilipinas ay gusto ko munang hanapin ang lahat ng mga sangkot sa pagpapasabog sa bahay ko. Mga de p*ta talaga! Baha

