HINDI TUMIGIL si Aaron, sa pagpapahanap kay Eve. May mga groupo ng mga Detective din siyang binayaran, upang mahanap lamang ang asawa niya. Kahit mag bayad pa siya ng napaka mahal ay gagawin niya, upang mahanap lamang si Eve. "Mag sipag handa kayo, a-alis tayo mamayang gabi, at tayo naman ang lulusob sa Mansion ni shushu." wika ni Aaron, sa mga tauhan niya, habang kumakain sila ng tanghalian. Ang tinutukoy niyang Shushu o Uncle ay si Mr. Toh Tock Seng. Ang adopted brother ng kanyang Daddy Go Poh Seng. Gusto kasing agawin ng matanda ang lahat ng mga kayamanan ng mga Go. Dahil hindi ito makontento sa ipinamana sa kanya noon ng mga magulang ng kinilalang ama ni Aaron, na si Mr. Go Poh Seng. Kahit inampon ng mag-asawang Go, si Toh Tock Seng, ay hindi naman nila ito isinunod sa kanilang ape

