EVE'S POV.... ****** BIGLA AKONG NAGISING, dahil sa napanaginipan kong pagkain. Bigla din akong nakaramdam ng gutom at paglalaway, dahil sa sarap ng mga pagkain na nakita ko sa aking panaginip. Parang totoo na naroon ako sa harapan ng masasarap na pagkain na iyon, ngunit ng lalapit na ako para kumain ay bigla na lang akong nagising. Napatingin ako sa katabi ko. Nakita kong ang sarap pa ng tulog ni Aaron, habang nakayakap siya sa katawan ko. Pati ang paa niya niya ay nakadantay pa sa akin, kaya hindi ako makagalaw. Dahan-dahan kong inalis ang kamay at paa niya sa aking katawan, upang makabangon ako. Tagumpay naman akong natanggal ang pagkakayakap niya sa akin, kaya bumangon ako at umupo. Muli ko rin siyang tiningnan, upang gisingin. "Daddy, gising..." pagtawag niya kay Aaron na himbing

