"Jacob, Jobelle, Babe! I'm home!..." malakas na pagtawag ni Aljoe sa kanyang mag-iina. Galing siya sa trabaho at may dala rin siyang pasalubong para sa kanyang mag-iina. Nakaupo si Bhella sa carpeted na sahig ng Playroom at nilalaro niya ang kanilang kambal na sina Jacob at Jobelle. Marunong nang gumapang ang kambal, kaya nakatutok si Bhella sa pag-aalaga sa kanyang mga anak. Ayaw din niyang i-asa ang mga bata sa kasambahay. Dahil ang gusto nilang mag-asawa ay sila lamang dalawa ang mag-aalaga sa kanilang mga anak, para mapalaki nila ang mga ito na ayon sa gusto nilang pag desiplina at pagtuturo sa mga ito. "Hello daddy..." nakangiting sagot ni Bhella, habang ikinakaway nito ang kamay ni Jobelle. "Hello sweety!..." nakangiting pagbati ni Aljoe sa anak na babae. Ibinaba ni Aljoe ang

