PAUWI na si Aljoe, galing sa kanyang trabaho ng maisipan niyang dumaan sa flower shop, upang ibilhan si Bhella ng bulaklak. Tinigil niya ang kanyang sasakyan sa harapan ng nadaanan niyang flower shop. Bumaba siya at pumasok sa loob ng flower shop, para bumili ng isang bouquet na red roses. Matapos niyang mabayaran ang bouquet ay muli siyang nagtungo sa kanyang kotse at mabilis na nilisan ang lugar. Pasipol-sipol pa si Aljoe, dahil sa pagka excite niyang umuwi. Miss na rin niya si Bhella, dahil halos tatlong araw siyang wala sa kanilang bahay, dahil ito sa mga inayos niya sa Cebu City. May bago kasing bukas na Branch doon, kaya bilang bagong CEO ng AG Holdings ay personal siyang nag attend ng kanilang openning doon. Nagkaroon din siya ng meeting sa kanilang mga clients doon. Tumagal din si

