EVE'S POV..... ****** SAPILITAN AKONG HINILA ni Aaron, paalis ng table namin. Talagang hindi na nag-abalang magpaalam sa mga bisita namin ang kumag kong asawa. Basta na lang niya akong hinila at dinala sa loob ng elevator, upang maka alis na kaming dalawa sa Reception namin na walang nakakaalam. Hindi na talaga siya makapaghintay ng gabi. Agaf niyang pinindot ang top floor at mabilis naman na nagsara ang pinto ng elevator at dinala kami sa top floor. Pagbukas ng elevator sa top floor nitong hotel ay bigla na lang niya akong binuhat, upqng dalhin sa honeymoon suite namin. "Aaaay! Ibaba mo nga ako, mamaya mahulog ako dito!" malakas na wika ko, dahil sa pagkagulat ko sa ginawang pagbuhat sa akin ni Aaron. Agad ko rin hinawakan ang leeg niya, para may makapitan ako. "Kumapit ka lang sa l

